Chapter 50: .....

67.2K 1.7K 412
                                    

Avery's POV

"Time of death 11:58 PM "

"Time of death 11:58 PM "

"Time of death 11:58 PM "

Paulit-ulit na pumapasok sa utak ko ang sinabi ng Doctor at hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapaupo sa sahig habang sapo ko ang mukha ko gamit ang palad ko.

"P-panaginip lang 'to Mom diba? Dad panaginip lang?" nahihirapan kong sabi pero hindi nila ako sinagot sa halip ang ginawa nila ay niyakap nila akong dalawa.

Humiwalay ako ng yakap sa kanila at humihikbing tumingin sa labas ng (ICU). Ano bang kasalan ko at palagi nalang ako umiiyak? Naging masamang tao ba ako at pinaparusahan ako ng ganito?

Bakit kailangang mangyari 'to? Sana isang panaginip nalang 'to para magising pa ako. Pero hindi e, kahit na iumpog ko ang ulo ko sa pader totoo lahat ang nangyayaring 'to.

"AVERY" sigaw ni Kaye ng makitang tumakbo ako papasok sa loob ng (ICU) pero bago niya pa ako masundan ni-lock ko na kaagad ang pinto ng (ICU) at sumandal sa likod ng pinto habang kagat-kagat ko ang ibabang labi ko at tumataas baba ang balikat ko dahil sa kakaiyak.

Hindi ako naniniwala na wala na siya dahil pinanghahawakan ko ang pangako niya na hindi niya ako iiwan.

Pinagmasdan ko ang daliri ko na kung nasaan ang singsing na sumisimbolo ng pagmamahal niya sa akin.

Nagsimula na akong maglakad papunta kung nasaan siya at hindi kona talaga nakayanan ang mas lalong mapaiyak ng makitang ang Defribillator na straight line na.

Kahit bawal pumasok ako sa loob kung nasaan siya at hinawakan ko ang kamay niya habang patuloy lang sa pagtulo ang luha ko.

"H-huwag naman ganito, okay lang na saktan mo ako araw-araw huwag lang akong iwan panghabang-buhay." humihikbi kong sabi pero parang walang nangyari dahil straight line parin.

"Huwag mo akong iwan, parang awa mona Xander. Paano ako? Iiwan mo nalang ako ng ganito? Hindi ba't engage na tayong dalawa so paano pa tayo kakasal nyan? Please Xander, kailangan kita." sabi ko at sinusubsob ko ang mukha ko sa gilid ng kama habang patuloy lang ako sa pag-iyak.

"I love you Xander. I love you" paulit-ulit kong sabi at tumingin muli sa Defribillator pero ganun parin.

"Xander naman.. ang tagal kitang inintay tapos ganito lang?..ganito lang naiiwan mo ako? Sino na ang magsusungit sa akin? Sino na ang gigising sa akin at yayayain akong magdate? Sino na ang magsasabi sa akin ng 'I love you'? Sino na ang magba-back hug sa akin? Sino na? Gusto ko ikaw lang kaya please.. mabuhay ka."

Tumingin ako sa orasan at 7 minuto na ang lumipas ng sabihin ng Doctor na wala na siya pero hindi ako naniniwala dahil alam kong may milagro. Naniniwala ako sa milagrong mabubuhay siya.

"A-ang daya mo naman Xander, bakit palagi mo nalang akong sinasaktan? Bakit palagi mo nalang akong pinapaiyak? Diba sinabi mo na lalaban ka para sa akin pero bakit ka ganito? Bakit hindi mo magawang tupadin ang pangako mo? Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka sa buhay. You're my oxygen and I can't live without you"

Tumingin ako sa kanya at hinaplos ko ang pisngi niya at nanlaki ang mata ko na maramdamang nanlalamig na ang balat niya.

"N-no.. please noo" hagulhol kong sabi at umub-ob muli ako sa gilid ng kama habang hawak ko parin ang kamay niya.

He's dead.. He's really dead at iniwan niya na ako...

Nanakit na ang mata ko dahil sa kakaiyak. Parang hindi ko na kakayanin pang mabuhay dahil tuluyan na niya akong iniwan, tuluyan na siyang nawala sa piling ko.

Loving A Stoned Hearted Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon