Chapter 28: Waiting for you

69.9K 1.8K 447
                                    

Chapter 28

"Ms. Muñoz and Mr. Evans!"

Nakahinga ako ng maluwag ng sabihin ni Sir kung sino ang magiging partner ko sa pagkanta. Lumapad ang ngiti ni Luke habang nakatingin sa akin.

"I mean Mr. Evans and Ms. Lopez," sunod na sabi ni Sir na ikinalaki ng mata ko. WHAT?

"Sir, sino po ang magiging kapartner ni Avery?" tanong ni Kaye kaya napatingin sa kanya si Sir.

"Mr. Cortwar!"

"Sir, ako po?" biglang tanong ni Caleb habang nagkukusot ng mata na kakagaling lang sa pagkakaub-ob.

Nakikita ko parin sa mata niya ang lungkot dahil sa nangyari kanina. Nasasaktan ako dahil nakikita ko siyang nagkakaganyan.

"Not you Caleb, your twin."

"Sir, bakit silang dalawa? Pwede naman na kami nalang ni Avery tapos silang dalawa ni Kaye?" biglang tanong ni Luke. 

"Oo nga po Sir, bakit kailangan pang sila ang partner? Okay lang po sa akin na si Xander ang partner ko basta huwag niyo lang silang pagsamahin," sabat naman ni Kaye.

Inayos ni Sir ang kanyang salamin at tumingin sa direksyon ko. Napailing siya ng makitang bakante ang upuan ni Xander.

"What's your opinion Ms. Muñoz?"
tanong ni Sir habang seryosong nakatingin sa akin.

"Okay lang po!" tipid kong sagot at halos abutin ni Kaye ang buhok ko dahil sa inis.

Hindi ko naman siya masisisi dahil sa inis na nararamdaman niya kay Xander at pati narin sakin.

"Good!" sagot nalang ni Sir at nagpaalam na siya.

Nagsilabasan na ang iba naming kaklase habang kaming apat ay nanatili sa kinauupuan namin.

"Bakit ka pumayag?" tanong ni Kaye.

"Grades ang pinag-uusapan dito hindi ang puso ko. Kaya please lang huwag niyo na akong tanungin tungkol dyan."

Pagkasabi ko nun iniwan ko sila at hindi ko na inintay na magsalita pa sila. Sana naman suportahan nila ako sa desisyon ko.

Hindi naman porke't nasasaktan ako kay Xander pati ang grades ko idadamay ko.

Nabigla ako ng may humawak sa braso ko at sumalubong sa akin ang mukha ni Sky na parang pinagbagsakan ng langit at lupa.

"Ate Avery, I need you," malungkot niyang sabi.

"Sige!"

Sumunod ako sa kanya at napansin ko na papunta kami sa field. Wala na gaanong tao dahil hapon narin.

"Ganun ba talaga kahirap ibalik ang dati?" tanong niya habang pinagmamasdan namin ang malawak na field.

"Oo, lalo na't nasaktan ka nang sobra!"

Tumingin siya sa akin at bumuntong hininga.

"Ibig sabihin wala na talagang pag-asa na ibalik 'yong dating kami?" tanong niya.

"Si Lyndsey ba ang tinutukoy mo?" tanong ko habang siya naman ay tumango.

"Ano ba ang nangyari?"

"Niloko ko siya, pinagpalit ko siya sa iba. Pinamukha ko sa kanya na hindi ko siya mahal kahit ang totoo siya ang laman ng puso't utak ko. Natakot ako.. natakot ako sa nararamdaman ko dahil masyado pa kaming bata noon. Naging kami nung grade 6 hanggang sa tumagal ang relasyon namin ng 3 taon. Sabihin na natin na nagsawa ako sa kanya. Pero nung makita ko siyang umiyak sa harapan ko nung panahong nakipag-hiwalay ako sa kanya parang nadurog ang puso ko."

Loving A Stoned Hearted Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon