Chapter 10
Maaga akong nagising kaya naisipan ko munang sumimba ngayong araw tutal linggo naman ngayon. Gusto kong kumpleto kaming pamilya na sumimba pero ang himbing parin ng tulog nila at halatang pagod na pagod sina Mom at Dad sa trabaho nila.
Hindi ko naman sila magawang gisingin dahil ang sweet nina Mom at Dad matulog. Nakaunan ang ulo ni Mom sa dibdib ni Dad.
How I wish na maging gano'n din kami ni Xander. Someday...
Napailing ako dahil sa pumapasok sa isip ko. Mahawakan ko nga lang ang balat niya parang mangangain na siya ng tao dahil ayaw niya sa akin.
Nag commute nalang ako dahil hindi naman ako marumong magmaneho. Pati ayaw ko din namang abalain si Manong Driver sa pagtulog para maihatid lamang ako.
Simple lamang ang suot ko dahil naka floral dress ako above the knee at flat shoes. Hindi naman ako mahilig sa fashion, basta kung ano ang matipuhan kona suotin ay susuotin ko.
Nang makarating ako sa simbahan kaagad akong binati ng mga madreng nakakasalubong ko. Kilala nila ako dahil isa ako sa mga tumutulong sa mga batang nasa ampunan.
Masayang tumulong sa kapwa lalo na kapag nakikita mo ang ngiti sa mga labi nila at sobrang nakakagaan ng loob.
Nasabi ko nalang sa sarili ko na napaka swerte ko dahil buo ang pamilya ko. Samantalang sila nangungulila sapagkat iniwan sila ng magulang nila dahil siguro sa hirap ng buhay.
"Good morning po, " masaya kong bati sa kanila.
"Magandang umaga hija, " bati ng isang madre na nakasalubong ko.
Nginitian nila ako at sakto namang nagsimula ang misa. Tahimik lang kaming lahat habang nakikinig sa sermon ng pari.
Nang matapos na ang misa nagpaalam na ako sa kanila at muli akong nag commute. Habang nasa byahe ako hawak ko ang kwintas na nakita ko kay Xavery.
Gusto ko 'tong ipakita kay Xander dahil malaki ang chance na kilala niya kung sino si Red.
Minsan narinig ko na din kay Sky ang pangalang Red. Pero kapag tinatanong ko naman siya iniiba niya ang usapan. Sino kaba talaga? Red..
"Manong, para na po dito, " sabi ko at tumigil naman ang jeep na sinasakyan ko kaya bumaba na ako.
Medyo malayo pa ang lalakadin ko dahil sa subdivison sila nakatira. Maraming may gustong pumasok sa subdivison na 'to dahil kay Tita Alexandra at Tito Drew.
Sikat na sikat kasi silang dalawa noon pa at idagdag mo pa na ang sweet nilang dalawa na para bang si Mom at Dad lang. Magkaibigan si Mom at si Tita Xandra simula pa noon.
"Good morning, Ma'am Avery, " nakangiting salubong ng guard na nasa tapat ng bahay nina Caleb.
"Good morning din po, please drop that Ma'am. Ingat po kayo palagi, " nakangiti kong sabi kaya tumango siya at ngumiti.
Pumasok ako sa bahay nila at halos lahat ng makakasalubong ko na maid ay Ma'am ang tawag sa akin.
Nginitian ko nalang sila at nag good morning at isa pa close na naman kami sa isat-isa dahil noon pa man palagi na akong nandito.
Always welcome na din ako dito sa bahay nina Caleb. Minsan nga gusto akong patirahin dito ni Tita Xandra pero ayaw lang ni Dad dahil ma mimiss daw nila agad ako kaya hinahayaan nalang nila na pumunta ako palagi dito.
"ATE AVERY?!" sigaw ni Scarlet ng makita ako at agad na tumakbo papalapit sa akin at niyakap ako kaya lumuhod ako para mapantayan ko siya.
"Good morning baby Scarlet, " nakangiti kong bati at hinalikan ko siya sa magkabilang pisngi.
BINABASA MO ANG
Loving A Stoned Hearted Man (Completed)
Teen Fiction(#2) Highest Rank #2 ♥ & Wattys 2017 WINNER ♥ - Meet Hezekiah Avery Muñoz, a martyr girl. Kahit sinasaktan na siya ng taong mahal niya minamahal niya pa rin ito. Kahit na hindi siya mahal ng taong mahal niya, handa pa rin siyang maghintay na sana m...