Chapter 5: Why?

88.5K 2.6K 378
                                    

Chapter 5

Nakangiti lamang ako kay Caleb na ngayon ay kakatapos lamang sa paglalaro ng chess. Sa lugar kung nasaan ako agad siya dumiretso habang ang lapad ng ngiti sa labi niya.

"Congrats, Caleb." masaya kong bati kay Caleb habang siya naman ay agad niya akong sinalubong ng mahigpit na yakap na kaagad ko din naman na ginantihan.

"Sabi na sayo na ikaw lamang ang makakapagpanalo sa akin dahil ikaw lang ang nag-iisang lucky charm ko. Sobrang swerte ko kaya sayo." nakangiti niyang wika habang hinahaplos ang buhok ko.

Napangiti ako dahil sa sinabi kasabay ng pagpisil ko sa tungki ng ilong niya na sobrang tangos. Sobrang proud talaga ako sa kanya dahil sa galing niyang maglaro ng chess.

Mahigit na 20 na school ang naglaban laban ng chess pero kami ang nanalo dahil sa galing at talino na manlalaro ng chess na si Caleb at halos lahat sila ay humanga sa kanya.

"Kikiligin na ba ako?" natatawa kong tanong ng pisilin niya ang tungki ng ilong ko.

"Kinikilig na nga ako kaya dapat ikaw din." malapad na ngiti niyang sabi sa akin.

"Baliw." natatawa kong sabi sa kanya habang nakangiti pa din siya.

"Congrats sayo, tol." rinig naming sabi ng isang lalaki at ng tingnan namin kung sino ang nagsalita siya pala ang kalaban ni Caleb sa chess kanina.

Nginitian niya si Caleb at pansin kong dumako ang tingin niya sa akin kasabay ng pagngiti niya sa akin kaya ginantihan ko siya ng ngiti.

"Girlfriend mo?" nakangiti niyang tanong habang hindi parin niya inaalis ang tingin sa akin kaya hindi ko maiwasang mailang.

Bigla akong inakbayan ni Caleb at wagas na ngumiti sa lalaking kalaban niya lang kanina sa chess.

"Oo tol, girlfriend ko. Akin lang 'to!"

Siniko ko siya at kinunutan ng noo. Ano'ng ibig niyang sabihin? Iimik pa sana ako at sasabihin na hindi 'yon totoo ng bigla nalang siyang naglakad palayo kay sa lalaking 'yon kaya dala dala ako sa paglalakad dahil nakaakbay siya sa akin.

"Interesado sayo ang lalaking 'yon. Hindi ako makakapayag na pati ikaw ay pormahan ng babaerong 'yon." seryoso niyang sabi sa akin.

"Pero mali pa din na nagsinungaling ka."

"Pasensya na, ayaw ko lang na lapitan ka ng gagong 'yon dahil halata naman sa mukha niya na hindi siya mapapagkatiwalaan." sabi nito kaya tumango ako kasi alam ko na nag-aalala lamang siya sa akin.

"Okay lang, Caleb. Basta huwag na ulit mauulit 'yon. Ayoko na nagsisinungaling ka."

Ayaw ko lang naman na nagsisinungaling si Caleb. Pero naiintindihan ko naman siya dahil unang pansin ko palang sa lalaking 'yon mukha na talaga siyang babaero dahil sa pagtitig niya sa akin.

"Yes Master." natatawa niyang sabi at pinisil niya muli ang tungki ng ilong.

"Dapat lang." nakangiti ko ding wika at inunahan ko siya sa paglalakad.

Muli niya akong naabutan sa paglalakad kaya inakbayan niya ako at pagkatapos ginulo na naman niya ang buhok ko.

"Congrats bro." natigilan ako ng marinig ko ang boses na 'yon.

Nanlamig ako sa kinatatayuan ko ng makita ko si Xander na nasa harapan namin. Hanggang ngayon nakaakbay parin sa akin si Caleb na tila mismo siya ay natigilan ng makita ang kakambal niya.

"Salamat." sabi ni Caleb at tinanguhan niya ang kakambal niya at sinama na ulit ako sa paglakad.

Gusto ko sana ulit siyang tingnan kaso mas hinigpitan ni Caleb ang pagkakaakbay sa akin na para bang ayaw niya na makita ko si Xander.

Loving A Stoned Hearted Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon