Chapter 01

4.9K 78 6
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Why can't I say that I'm in love?

I wanna shout it from the rooftops

I wish that it could be like that

Why can't we be like that? 'Cause I'm yours"

-----

"Kayla, ano ba paulit-ulit nalang tayo dito ah. Lagyan mo naman ng konting emosyon" bulyaw ko.

Kumunot lang ang noo niya, pero imbes na magreklamo ay pumwesto siya ulit sa kinalalagyan niya.

"Again" tugon ko.

Why cant you hold me in the street

Why can't I kiss you on the dancefloor

I wish that it could be like that

Why can't we be like that, cause I'm yours.....

Patuloy lang ang pagtugtog ng kanta na sinasabayan ng dalawang magkapareha na animo'y mga nilalang na pinagtagpo talaga ng tadhana. Ngunit perpekto man silang tignan dahil sa angkin nilang ganda at kagwapuhan ay di mo sila makikitaan ng emosyon na pang Power Duo ang datingan.

"Stop" sigaw ko ulit.

"May problema ulit Dex? Unli tayo ngayon, paulit-ulit teh?" reklamo ni Kayla.

"Pagod na kami Fur" reklamo din nung isa.

"Well Friday next week na po yung recital night at ganyan parin po ang performance niyo. Hindi po nadadala sa charm lang ang pagsasayaw no" paliwanag ko.

"Sa gwapo kong to, imposibleng di sila madala. Magtatopless pa ko nun, oh kita nila pandesal ko, tignan lang natin kung sino di maglaway sa Friday" pagyayabang ni Ryan.

Inirapan ko lang siya saka ko binalingan ang bestfriend ko.

"May problema ba kasi Kayla?"

"Wala naman, bukod sa hindi pumayag si Neil na makapareha ko para sa sayaw na to si Ryan. Yun lang naman."

"Napakaseloso ng boyfriend mo ah, parang sayaw lang eh. Hayaan mo kakausapin ko, di pa kayo mag-asawa ganun na siya"

Napabuntong hininga nalang si Kayla.

"Eh ganun kasi talaga pag sobrang gwapo yung kapartner niya, talagang kakabahan yung jowa niya" nakangising pahayag ni Ryan.

"Alam mo ikaw Vijandre, nung nagpakawala ang Diyos ng kayabangan siguro ikaw lang ang gising. Nasalo mo lahat eh" inis kong banggit.

"Bakit di ba totoo ang sinasabi ko, diba nga bata palang tayo crush mo na ko, diba? Hanggang ngayon nga eh patay na patay ka parin sa akin, don't worry Dex darating din siguro yung time na matututunan rin kitang mahalin"

"Pffffff, mukamo. Patay na patay? Ako? Sayo? Uggggh, nevermind. Mas gusto ko pang kainin nalang ng lupa kesa sa pagpantasyahan kang damuho ka. Mayabang na nga pangit pa ang ugali at pandak pa"

Little Mix's Tape (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon