A Filler Chapter
Author's Note:
Hi po sa lahat...
Maraming salamat po sa mainit niyong pag-tanggap sa story na to at sa bago niyang kabanata. Maraming nakaka-relate, lalo na yung mga millennial generation. But as the story goes by, nagiging mature yung atake, nagiging somewhat realistic. Mapapa-isip ka nalang – OO nga no, tama siya.
Ganito tayo nung una...
Pero bakit ako lang yung nalanta?
You left me, not just broken but bleeding
You said you won't let go...
Valentine's Day?
Ano yun?
Ang bitter noh.
Maraming may gusto sa araw na ito, bukod sa extension ito ng Chinese New Year na di mo kailangang dumayo sa Bocaue para lang maputukan. Ito rin daw yung araw na pulang pula ang paligid. Lahat pulang pula, literal or figurative. Pulang pula talaga. Araw kung saan umaapaw ang pag-ibig, a celebration of love.
Pero kung single ka o brokenhearted, naku bes – bigti na this. Magsuot ka ng itim, kumain ng pistachios ice cream mga sampung gallon o di kaya'y itulog mo nalang yan. Lilipas din yan, bukas sa pag-gising mo ay Feb 15 na. O diba, shala!
Malayo yan sa bituka, eh ano ngayon kung single ka diba? Single ako dahil ginusto ko, single ako dahil yung taong para sa akin nasa maling tao pa. Single ako dahil I'm a career oriented man, di ako mapapakain ng love na yan. Single ako dahil, wala eh pangit ako.
Andami no, andaming pwedeng banggitin. But in the end, you shouldn't be bitter with Valentine's Day. Actually hindi lang siya para sa mga may jowa o yung mga in love. Pwede din siya para sa ating mga single & hopeless romantic. Hanggat punong puno daw yung puso natin ng ka-bitteran, unti unti daw tayong nalalanta. Tuyo't at kulang sa dilig. Swipe left swipe right- alam na this but you should pay pagkatapos madiligan (de joke lang).
Oh siya, eto na nga. Maraming naawa sa pinagdaanan ni Dex and they curse Santi for it. What about Santi? He deserves an explantion din naman...
O eto siya...
The next chaptercontains an AVP, so kelangan mo ng internet connection at mag headset ka paradamang dama mo teh. It's a short clip actually, at dapat panoorin mo siya ngbongga.
BINABASA MO ANG
Little Mix's Tape (boyxboy)
RomancePaano ba mag-mahal ang mga Millenials? Sasabihin ba nating makabago narin ba ang pamamaraan nila ngayon digitalized na ang lahat. Na sa isang pitik mo lang nakukuha mo na ang hinahanap mo. Mas wild ba ang mga Millenials compared sa mga naunang he...