"Call me when the Governor arrives" bilin ko dito.
Halata naman magaling na yung dalawa dahil naghahabulan na sila sa sala. Sinaway ko sila dahil baka mabinat sila.
"Where's Dad?" tanong ni Tep.
Nagkibit balikat nalang ako.
"You look tired, lets sleep" tugon ni Bastie saka nila ako hinila papunta sa kwarto.
At dun nga ay natulog kami. Naalimpungatan nalang ako ng biglang may humalik sa noo ko. Minulat ko ang aking mga mata at nakita ko doon ang mukha ng tatay nina Tep at Bastie. Nginitian niya ako na parang walang nangyari. I smiled back, bumangon ako saka ko siya hinawakan sa batok niya. I teased him at nang malapit na siyang bumigay ay dun ko siya inihiga at sinakal.
"Wait Dex, di ako makahinga" angal niya.
Binitawan ko siya saka ako tumayo.
"I'm sorry, it's my fault again"
"Lagi nalang ganito, puro ka nalang sorry di ka na ba magbabago?"
Lumapit siya sa akin saka siya yumakap. "Sorry na"
"Parang awa mo naman oh, kung di mo ko kayang pahalagahan sana naman yung mga anak mo nalang. They need you more than ever. They need a father at mukhang nakakalimutan mong hindi ka na binata pa"
"I'm so sorry, lowbat yung phone ko at mahina ang signal"
"What an excuse, dalawa lang eh. Quit your job or be a good father"
"I'm sorry Dex please"
"Ayoko na, sawang-sawa na ako. Sawang sawa na ako sa mga excuses mo, ayoko na"
Mas hinigpitan pa niya ang yakap sa akin, naramdaman ko rin na tumutulo narin yung luha niya.
"Please let me go" pahayag ko.
"No, no, please NO, not again"
"Mas maganda yung buhay natin nung ako lang to at ikaw lang yan. Pag pinakawalan natin yung isat-isa mas magiging malaya tayo ulit. You can do anything you want, marry a girl you like, have a real family, magkaroon ng kapatid sina Bastie at Tep. You can continue your political career. Just like that, at ako I can go back to Europe or New York"
Lumuhod na siya at yumakap na sa mga tuhod ko habang patuloy siya sa paghagulgol. "I can't, youre mine. Ikaw na ang pamilya ko, I can't let you go again. No, no" tapos bigla siyang tumahimik. Dun na ako kinabahan.
"Hey are you ok?" tanong ko, di siya gumalaw or umimik. Nakayakap lang siya sa tuhod ko. Bumaba ako at tinitigan siya, blanko, diretso ang tingin.
"Are you ok?" di parin siya umimik. Tulala siya at diretso ang tingin habang patuloy parin ang pagpatak ng mga luha niya.
"Santi, are you ok? Are you with me? Santi?" nagpapanic na ako nun, matagal na kasi bago yung huling attack niya. Nagulat nalang ako ng bigla siyang nagsusumigaw at iniinda ang sakit ng ulo.
"Santi, andito ako. Di kita iiwan, andito ako" niyakap ko na siya at patuloy parin niyang iniinda ang ulo niya, nagsusumigaw siya. Kinuha ko yung cellphone ko and I called Raikko, tinawagan ko rin si Andrew at pinapunta sila sa bahay. Ilang minuto rin bago sila dumating at nang dumating sila ay nasa sulok si Santi naka-tungo at umiiyak habang sinasambit ang pangalan ko.
"What happened?" tanong ni Andrew.
"He broke down" sagot ko.
"Nag-away nanaman ba kayo?" tanong ni Raikko na tinanguan ko naman.
BINABASA MO ANG
Little Mix's Tape (boyxboy)
RomancePaano ba mag-mahal ang mga Millenials? Sasabihin ba nating makabago narin ba ang pamamaraan nila ngayon digitalized na ang lahat. Na sa isang pitik mo lang nakukuha mo na ang hinahanap mo. Mas wild ba ang mga Millenials compared sa mga naunang he...