"Don't try to make children grow up to be like you, or they may do it."
--------
Kinabukasan ay dumating si Raikko, buti nalang kamo at dumating siya. Agad namang sumama yung dalawang biik ko sa kanya, manonood daw sila ng sine. Pumayag na ako dahil nga may site ako that day. It was terribly a long day kaya naman nagbaon na ako ng pasensya at pagkain narin.
Nasa daan ako nun nang tumawag si Rico. Informing me that by Thursday kailangan na namin lumipad pa-Cebu dahil nga magsisimula na yung construction. Na-clear na yung site at may building permit na. Nag-isip ako nun kung paano yun eh may mga baby-ik akong dapat pagtuunan ng pansin.
Sakto namang tumawag si Ivo.
"I'm driving call me later" bungad ko dito.
"Ang sungit, umagang umaga eh"
"Bye!"
Pinagpatuloy ko na yung pagda-drive at nag-auto reply nalang ako. 30 minutes after ay tumawag nanaman si Ivo sa akin.
"Master, nasan ka?"
"Site"
"Ah, saang site?"
"So kelangan ko nang magreport sayo ngayon?" pagtataray ko.
"Nagtatanong lang eh, kumain ka na?"
"Ivo, busy ako. Mamaya nalang"
"Dex, pupunta kang Cebu sa Thursday diba? Isama mo nalang yung dalawa, ako na bahala sa plane tickets niyo. Ako na rin bahala sa mga magbabantay sa kanila"
"You serious?"
"Of course I am, kelan ba hindi?"
"Thanks"
"Ah, Graduation ko rin pala sa Aviation School sa Saturday. I want you to be there"
"Graduation? Akala ko freshman ka palang"
Tinawanan niya lang ako. "Ganun ba ko ka bata sa paningin mo? Well ganun talaga, so wag kang mawawala dun ah"
"Ano naman gagawin ko dun?"
"You'll be my special guest. Pero dapat yung mga mata mo, sa akin lang nakatingin"
"Ay marami bang gwapo dun? Sige pupunta ako"
"Dex naman eh, ako lang diba?"
"May pag-aangkin?"
"Ako lang muna, pwede. Ako lang"
"Pssssssh, o sige na bye na – abala"
"Love you Master"
"Thank You!"
"Yan ka nanaman"
I ended the call.
Di naman ako na-inform na punch listing pala ang magaganap sa araw na yun. Akala ko ay simpleng meeting lang na kailangang andun ako. Kung alam ko lang na punch listing yun ay di na ako umattend. Nakakabanas, nasayang yung araw ko eh mas may importanteng mga bagay pa akong aayusin.
BINABASA MO ANG
Little Mix's Tape (boyxboy)
RomancePaano ba mag-mahal ang mga Millenials? Sasabihin ba nating makabago narin ba ang pamamaraan nila ngayon digitalized na ang lahat. Na sa isang pitik mo lang nakukuha mo na ang hinahanap mo. Mas wild ba ang mga Millenials compared sa mga naunang he...