"Hooo ang init" tugon niya at sinadya pa talaga niyang itaas ang suot niyang t-shirt para makita ko yung pandesal niya na nagpalunok sa akin.
"Tara na nga, nadadagdagan ang aking pagkakasala" pahayag ko kay Santi.
"Don't be afraid Dex andito na ako" sabay hawak niya sa kamay ko at naglakad kami papunta sa parking lot.
"It's obvious you're meant for me
Every piece of you, it just fits perfectly
Every second, every thought, I'm in so deep
But I'll never show it on my face"
Ikaw na kaya Ibahn Santi Villareal? Ikaw na nga kaya ang icing sa ibabaw ng cupcake ko? Ay wait wala akong cupcake.....
But how do I unlove you Mc Ryan Vijandre?
How do I unlove you?
Taylor Swift can you teach me how this time...
If it can only get better...
---
"Love me or leave me?" out of the blue na tanong ni Santi habang nanonood kami ng Finding Dory sa sinehan. Tinitigan ko lang siya pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa screen. Hinawakan niya naman ang kamay ko and he start massaging it. Parati niya yung ginagawa sa tuwing magkasama kami, kung dati ay hindi siya every weekend kung umuwi sa Batangas ngayon ay every weekend na kaya naman parati ko siyang nakakasama.
"Love me or leave me?" tanong niya ulit.
"Kanta yan diba?" pabiro kong sagot.
"No Dex, tanong yun na dapat mong sagutin"
"OR"
"Baby boi naman eh, ano nga?" pagtatampo niyang pahayag.
"Ssssssh, wag kang maingay ayan na oh, mamamatay na si Dory" pagbibiro ko ulit. Agad naman siyang tumahimik at hanggang matapos ang movie ay di siya umiimik.
"Uyyyy napano ka diyan" umiling lang siya, saka siya naglakad papalayo"
"Ibahn Santi" sigaw ko, wala parin patuloy parin siya sa paglalakad.
"Hoy Sans Rival" sigaw ko ulit at dun siya tumigil, lumingon sa akin at ngumiti. Saka siya bumalik at lumapit sa kinatatayuan ko na di maalis-alis yung ngiti niyang abot tenga.
"Anong sabi mo?"
"Sabi ko uwi na tayo" pagpapalusot ko.
"Hindi may sinabi ka, ano ulit yun gusto kong marinig ulit"
"Sabi ko ang baho mo Villareal. Mukha kang utot"
Naglip bite ulit siya at nagpacute at gaya ng dati at pinagdidikit niya nanaman yung index finger niya na di ko alam kung ano ang ibig sabihin.
"Ba't palagi mong pinagdidikit yang index fingers mo?" tanong ko.
"Cross fingers, so that the odds are on my favour"
Kumunot lang ang noo ko.
"Dex, ulitin mo nga yung sinabi mo please"
"Ayaw" at ako naman ang naglakad palayo. Tinanaw ko siya, hindi parin siya gumalaw sa kinaroroonan niya kaya tinawag ko na. "Tara na Sans Rival, malelate tayo sa Family Dinner niyo"
Para siyang batang lumundag at tumakbo palapit sa akin nun at saka niya hinawakan ang kamay ko. "Tinawag mo na akong Sans Rival, meaning ako na nga ang icing sa ibabaw ng cupcake mo" sabay kindat niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Little Mix's Tape (boyxboy)
RomancePaano ba mag-mahal ang mga Millenials? Sasabihin ba nating makabago narin ba ang pamamaraan nila ngayon digitalized na ang lahat. Na sa isang pitik mo lang nakukuha mo na ang hinahanap mo. Mas wild ba ang mga Millenials compared sa mga naunang he...