The next day ay lumipad na nga ako pa SanFo, sina Kayla ang naghatid sa akin. Nakarating naman ako ng matiwasay dun at masaya akong makakasama ko ulit ang pamilya ko. Malaki na ang itinanda nina Mom & Dad pero may pagka-bagets side parin sila. Lalo na si Dad dahil maganda nga ang pangangatawan nito kahit malapit na siyang mag 50. Lolo at Lola na nga sila eh dahil nga may pamilya na ang mga ate ko at may tig isa na akong pamangkin sa kanila. Kaya pag nakikita ko ang mga pamangkin ko ay naalala ko sina Ike & Icarus. Somewhat yung pangungulila ko sa kambal ay nabubuhos ko dun sa pamangkin ko. Kaya nga lang eh maarte ang mga ito pag nilalambing mo. Iba parin ang mga baby-ik ko.
Nanibago ako sobra, ang hirap kong nag-adjust. Nagkasakit pa nga ako noong 1st week. Nanibago ako na wala akong sinasaway na mga bata, wala akong naririnig na umiiyak o nag-aaway. Walang nagtatakbuhan o nagpapakamot ng likod. Walang hinahatid sundo, nililinisan ng pwet o nilalagyan ng pulbo. I miss them so much.
3 weeks na ako noon sa SanFo, everybody is busy for the 4th of July celebration. Nagprisenta na ako na ako na ang mamimili sa Grocery. Naghahanap ako ng mga creams noon when I bumped into someone. Parang bumilis ulit yung tibok ng puso ko, nagslow mo tapos may naririnig akong song na mellow & sweet. He changed a lot, naka eye-glass na siya. Hindi pa siya nagse-shave ng balbas, tumanda na dahil evident na yung white hairs niya pero ang pogi parin niya.
"Oh hi, anong ginagawa mo sa SanFo?"
"Oh Dex, is that you?" tanong nito.
"The one & only, what are you doing here in SanFo?"
"Uhhhm New York is not for me maybe, change of plans. What about you, when did you arrived here?"
"Just a couple of weeks ago. So hows life Russel, looking good eh"
Tumawa lang ito at nakita ko nanaman yung mga ngiti niyang nagpatunaw sa puso ko. Bigla siyang lumapit sa akin saka ako niyakap. Ang higpit at ang init. Parang damang dama ko parin yung pagmamahal niya.
"I miss you Dex"
"I miss you too"
"Oooh, I want you to meet someone" saad nito. Hinila niya yung kamay ko saka kami nagpunta sa diaper section.
"Dex, meet Mary my wife & our son Rigor. Mary this is Dex Armand my Filipino friend, the one I'm telling you about"
"Hi Dex, pleasure to meet you. Finally I was able to meet you, my husband is telling many things about you being his good friend back in London"
"Ah huhhah, nice meeting you too. Rigor is handsome eh"
"It's my genes actually" pagyayabang naman ni Russel.
Di ko na natapos yung pamimili ko, nagpaalam na ako sa kanila. Wala akong napala sa paggo-grocery kaya naman napagalitan ako ni Mom. Nagmukmok nalang ako sa kwarto ko. Nasaktan ako dun, may asawa at anak narin si Russel. Akala ko pwede ko pa siyang balikan – ouch beh. Bakit ganun?
Nakiki-balita naman ako sa Pilipinas kung ano na nga ba ang nagaganap doon. At nalaman ko nga kina Raikko na naka-alis na sina Santi patungong London. I was planning to fly to London din noon pero parang may pumipigil sa akin. Malapit nang matapos yung isang buwang bakasyon ko at kailangan ko nang bumalik ng Pilipinas. Parang may nagsasabi sa akin na its time to go back. Di ko alam kung yung mga projects ko ba yung tumatawag sa akin pabalik ng Pilipinas o ano.
Pagbalik ko ng Pilipinas ay trabaho agad ang inatupag ko. Nagpaka-busy ako para naman di ko masyadong maalala yung kambal o yung pamilya ko. I tried dating guys or even try dating apps whenever I'm in the metro pero wala talaga akong matipuhan. Pag nag-insist sila ng sex ay tumatanggi na ako. Nag-umpisa narin akong mag-gym ulit, bumalik sa mga hiphop classes at nag-yoga kasama si Kayla. Andaming mga kliyente na pumapasok sa office namin pero dahil marami kaming hawak na on-going yung construction kaya naman dine-decline namin o nirerefer nalang sa iba. Kesa naman tanggapin namin eh di na nga kaya ng staff ko.
Kung ano-anong mga bagay bagay na ang ginagawa ko para libangin ang sarili ko. When a local University offered me a teaching job, tinanggap ko na para naman malibang ako. Ginawa kong busy yung sarili ko, hanggat maari ay dapat busy ako para di ko maalala yung pangungulila ko. Ok naman siya, pero pag mag-isa nalang ako sa kwarto ko iniiyak ko nalang lahat. Mula noon ay di ko pa kinakausap yung kambal. Sinabi ko kasi kay Mommy Agnes na kung maari ay wag na muna.
BINABASA MO ANG
Little Mix's Tape (boyxboy)
RomancePaano ba mag-mahal ang mga Millenials? Sasabihin ba nating makabago narin ba ang pamamaraan nila ngayon digitalized na ang lahat. Na sa isang pitik mo lang nakukuha mo na ang hinahanap mo. Mas wild ba ang mga Millenials compared sa mga naunang he...