Tatlong buwan na ang lumipas at malapit nanaman ang pasko. Parang balik ulit ako sa dati – yung wala akong kasama at literal na malamig ang pasko. Pag magpapasko ay masaya lalo na pag andun sina Ike & Icarus. Magarbo ang mga dekorasyon, kabi-kabila ang kainan at handaan. Pero parang ngayon ay di masaya dahil nga wala nanaman akong kasama.
Malapit na ang break kaya natabunan nanaman ako ng mga plates ng estudyante ko na kailangan kong i-check at irecord. Maliban sa mga plano at reports from my office ay eto pa ang pinagkaka-abalahan ko. Kung maluwag naman ang sched ko ay dumideretso ako sa gym. Marami dung paminta na nagpaparamdam, mostly sex ang habol. Ini-ignore ko nalang at sinasabi kong may partner ako at pamilyado akong tao kaya naman pag narinig nila yun ay umaalis na sila. Dahil nga sa palagi kong pagpupuyat ay late na ako nagigising pag weekends. Tinanggihan ko yung teaching load ng weekend dahil kelangan ko rin ng pahinga kahit papano.
Naalimpungatan ako kinabukasan ng biglang may narinig akong boses ng mga bata at tinatawag ako. Ang lakas nun – "Tito-Dad". Paulit ulit hanggang sa magmulat ako ng aking mga mata – nakiramdam ako sa paligid. Isa, dalawa, tatlo.... Hanggang sa umabot na ako sa limampu – walang sumisigaw ng Tito-Dad. Guni-guni ko lang pala yun dahil miss na miss ko na yung kambal. Susubukan ko na sana ulit matulog noon kaya lang ring ng ring yung telepono.
"Ano?" galit kong tugon dun sa guard. Sinabi nito na may naghahanap daw sa aking lalake. Inutusan ko nalang na papasukin na ito. Agad naman akong bumaba para pagbuksan siya ng pinto. Humihikab pa ako noon at nagkakamot ng ulo. Nabuksan ko na yung pinto, nakita ko na yung lalake. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang gitna-gitna hanggang paa. Nagkunot noo ako saka ko siya tinaasan ng kilay. Ngumiti lang ito ng nakakaloko saka kumindat. Tinignan ko yung sarili ko – takte naka boxers pala akong natulog at hinarap ko tong lalakeng to na ganun ang itsura ko nakakahiya kaya naman sinarado kong muli yung pinto. Pindot naman siya ng pindot ng doorbell na animoy galit siya dito. Ako naman ay umakyat ulit sa kwarto at saka nagbihis, nag-ayos, nag-mumog para naman di nakakahiya.
Matapos ang ilang minuto ay pinagbuksan ko na siya ng pinto.
"Hay, finally!" tugon nito.
"Anong kailangan mo?" tanong ko.
"Ikaw!" sagot nito saka siya nag-smile at kumindat ulit.
"Sir kung nandito ka para mam-bwisit, please lang ha alis ka na"
"Di mo man lang ba ako papasukin?"
"Ano nga muna pakay mo?"
"Ikaw nga ang pakay ko"
Inirapan ko ulit siya saka nagbuntong hininga.
"Architect ka diba? I have a proposal to make"
Nang sinabi niya yun ay agad ko siyang pinapasok at dun kami sa sala mismo. Inutusan ko na yung kasambahay ko na mag-prepare ng mirienda para sa bisita.
BINABASA MO ANG
Little Mix's Tape (boyxboy)
RomansaPaano ba mag-mahal ang mga Millenials? Sasabihin ba nating makabago narin ba ang pamamaraan nila ngayon digitalized na ang lahat. Na sa isang pitik mo lang nakukuha mo na ang hinahanap mo. Mas wild ba ang mga Millenials compared sa mga naunang he...