Dumating nga ang sabado at gaya ng napag-usapan ay nagkita kami ni Cody sa park. Pagdating ko dun ay parang inis na inis siya kasama niya kapatid niya.
"Dex sorry ah, wala kasing magbabantay dito sa kapatid ko eh. May hinatid kasing labahan si Nanay kaya ako pinag-bantay, eh ayoko namang indianin ka kaya sinama ko nalang"
"Awwwww, ang bait mo namang kapatid" banggit ko pero parang nahiya siya at nagkamot ng ulo.
Cute yung kapatid ni Cody, medyo chubby at makinis yung kutis.
"Kapatid mo ba talaga tong si Cristina? Ba't maputi siya ikaw maitim"
"Grabe ka naman sa maitim, eh masipag po kasi ako at nababad na sa araw kaya ganun. Kahit maitim ako gwapo naman ako ah, masarap pa"
"Hala san galing kaya yun?"
Nagkatinginan nalang kami, walang may balak na alisin yung tinginan.
"Mag-asawa ba kayo?" tanong nung kapatid niya kaya naman tumawa nalang kaming dalawa. Giliw na giliw ako dun sa kapatid niya, ang kulit, madaldal at ang cute cute. Minsan nga ako na kumakarga dito eh, sabi ni Cody bagay ko na daw maging Mommy.
"Mommy talaga?"
"Oo, tapos si kuya yung Daddy. Ayaw mo ba si Kuya?" tanong ni Tina.
"Mabaho eh" tugon ko saka kami tumawa. Inamoy naman ni Cody yung sarili niya.
"Ulol mabango naman ako ah" saka niya inamoy ulit sarili niya kaya tumawa nalang ako. Ewan ko ba, ang saya saya ko pag kasama ko siya. Nakakalimutan kong brokenhearted pala ako.
"Gusto kong manood niyan" tugon ko ng makita ko ang poster ng trolls. Sabay sana namin yun papanoorin ni Santi kaso nga lang wala eh – iniwan niya ako.
"Dex, ano kasi eh. 200 lang budget ko para sa date natin"
"Ako na bahala"
"Nakakahiya, ako nag-aya tapos ikaw gagastos?"
"Walang pero pero, eh gusto ko manood eh. Ikaw Tina gusto mo manood?" tumango naman yung bata at ang laki ng ngiti.
"Oh Constante, ano?"
Umirap lang siya sa akin at napapayag ko naman. Nanood nga kaming tatlo at tuwang tuwa si Tina at Cody. First time pala nila makapasok sa sinehan. Dahil nga sa katayuan nila sa buhay ay di na nila nararanasan yung mga yun. Mas humanga pa ako nun kay Cody, mabait siyang anak. Kung ibang bata yun iniwan niya nalang yung kapatid niya doon. Pero siya isinama niya sa date namin. Ang astig lang, para kaming one happy family – nag-feeling.
Matapos naming manood ay kumain na kami. Sabi niya siya na daw bahala dun nakakahiya na daw sa akin kung ako parin yung gagastos. Tinanong niya ako kung anong gusto ko, sa Jollibee ba o sa Mcdo.
"Gusto ko ng Lomi"
"Sigurado ka?" tanong niya.
"Oo, sa halagang 100 mabubusog na tayo. May alam ako" pahayag ko.
Naglakad-lakad nga kami at napadpad kami sa isang karinderia na nagse-serve ng special lomi. Nagulat siya sa inasta ko, ang akala niya siguro sa akin ay maarte.
"Kumakain ka sa ganito?"
"Oo naman anong akala mo sa akin?"
"Diba mayaman ka?"
"Sinong nagsabi? Hindi ako mayaman no, nasa public school nga ko eh. Nagji-jeep papasok at pauwi, tricycle papunta sa bahay namin"
"May humahatid sundo kaya sayong Montero, minsan nga Audi, minsan BMW"
BINABASA MO ANG
Little Mix's Tape (boyxboy)
RomancePaano ba mag-mahal ang mga Millenials? Sasabihin ba nating makabago narin ba ang pamamaraan nila ngayon digitalized na ang lahat. Na sa isang pitik mo lang nakukuha mo na ang hinahanap mo. Mas wild ba ang mga Millenials compared sa mga naunang he...