Bandang July ng pinatawag ako sa office ng Principal at di ko alam kung bakit. Pagdating ko doon ay nadatnan ko si Mam Ortiz ang Journalism Coordinator ng School, si Mam Yap ang Head sa English, andun din si Kayla at pati narin si Nigel.
"So nagtataka parin siguro kayo kung bakit ko kayo pinatawag na tatlo dito. Since kayo ang magagaling na manunulat sa eskwelahan na ito at di naman na kaila na nanalo kayo sa Rehiyon at mas lalo ka na Mr. Quijano dahil nakapag-NSPC ka na. Kayo ang ipapadala ng school para sa 5-days Creative Writing Workshop sa Manila" paliwanag ni principal na siyang ikinatuwa naman naming tatlo.
"Pero Ma'am, pano po yan eh may laban po ako next week. Nakapag-commit na po ko kay Sir Llanes" pahayag naman ni Kayla.
"Hindi na ba magagawan ng paraan iyon iha?"
"Eto na po kasi yung screening para dun sa mga ipapadalang mga player sa Korea Open" paliwanag ni Kayla, naiintindihan ko naman dahil matagal nang pangarap ni Kayla na makipag-compete sa International Scene. Kaya igigive-up niya talaga tong opportunity na ito para dun.
"Dalawa lang ang ipapadala natin for the workshop?" tanong naman ni Principal.
"Mukhang ganun na nga po, sila na po kasi ang mga Senior writers natin, mga beterano na kumbaga" sagot naman ni Mam Ortiz.
"Kung ganun ok ba iyon sa inyo Nigel at Dex Armand?" tumango nalang kami wala na kaming choice eh.
"Pwede niyo bang papuntahin ang mga magulang niyo bukas dito para makausap namin?"
"I'm sorry po pero yung parents ko po are in a business trip, nasa Beijing po sila ngayon" pahayag ko.
"Ganun ba? Can we just call them to inform them about this?" tanong ni principal, kaya tumango nalang ako. Pumayag naman ang parents ko at sinabing may sapat na pera daw naman ako para sa gagastusin at kung sakaling may registration man. Kaya settled na ang lahat at sa susunod na linggo nga ay biyaheng Manila kami ni Nigel.
Pagkalabas namin ng principal's office ay agad akong naglakad papuntang IT Lab ng biglang may umakbay sa akin- pagtingin ko si Nigel pala na abot tenga ang ngiti, inalis ko ang pagkaka-akbay niya.
"Paano ba yan, tayo ang magkasama masosolo na kita Dex"
Inirapan ko lang siya.
"Tabi din tayo matutulog edi mayayakap kita, at baka pag swinerte tayo baka maka-score ka pa sa akin" sabay kindat niya kaya binigyan ko siya ng mahinang suntok sa tiyan.
"Aaaaaaarrrgh, tang ina sakit nun ah" angal niya kaya naman iniwan ko na siya doon.
Sunday nga nung bumiyahe kami pa-Manila, tinawagan pa ako ni Ate Dana para kumustahin ako.
"Bunso, ano nasaan na kayo?"
"Nasa biyahe pa po, text nalang kita pag nasa Manila na kami"
"Ok sige sige para mapuntahan kita bago magsimula yung seminar niyo. Saan daw ba gaganapin ang seminar niyo?"
"Hala di ko natanong eh nag change venue daw ata, wait lang" medyo nilower ko nga yung phone ko "Ah, Mam tinatanong po ng Ate ko kung saan daw po gaganapin yung Seminar?"
"Sabihin mo iho sa may La Salle Greenhills"
"Ate sa may La Salle Greenhills daw"
"Ok, pupuntahan kita once you arrived there. San ba kayo magchecheck-in?"
"Di ko alam eh, text ko nalang"
"Hay naku pupunta punta di alam ang details, Dex ah"
"Oo na, I'll inform you"
BINABASA MO ANG
Little Mix's Tape (boyxboy)
RomansPaano ba mag-mahal ang mga Millenials? Sasabihin ba nating makabago narin ba ang pamamaraan nila ngayon digitalized na ang lahat. Na sa isang pitik mo lang nakukuha mo na ang hinahanap mo. Mas wild ba ang mga Millenials compared sa mga naunang he...