Chapter 39 - Getting Better

1.2K 61 47
                                    

"Kung  pwede lang sana

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Kung  pwede lang sana....

Sana ikaw at ako nalang.....

------

Nang gabing iyon ay nagpunta nga ako sa bahay nila Aliah. Mansion yung bahay nila, parang Mañosa type yung Architecture niya. Ang ganda, yun yung mga gusto ko. Ang aliwalas ng interior, ang cozy ng lighting.

Nag-dinner na nga kami, very welcoming ang family nila. Yung Tatay niya ay mabait at halatang matalino. May kapatid din si Aliah na nakaka-tanda sa kanya, dalawang lalake. Yung bunso nila ay lalake rin, medyo type ko. Gwapo rin kasi, pasok sa standards ko. Medyo awkward pag magkakatinginan kami. Ewan ko ba, di ko naman ma-gauge kung kapanalig din ba siya. Kasi after Ivo ay parang humina yung gaydar ko.

Andami naming napag-kwentuhan, nai-kwento nga ni Tito Vien (tatay ni Aliah) yung love story nila ng kanyang asawa. Sabi niya na yung Villa Mathilda (yung building na ire-renovate) ay parang yun raw ang Taj Mahal ng namayapa niyang asawa. Marami daw memories doon kaya as much as possible ay dapat ma-preserve. Dun daw tumayo yung unang negosyo nila bilang mag-asawa, at dun umangat ang kanilang buhay. Maraming ipinakita sa akin si Tito Vien na mga sketch ng kanyang asawa.

"Aliah told me na sa London ka nag-aral hijo"

"Opo"

"Wow, that's great. I also heard from her na you used to study in Madrid?"

Tumango lang ako.

"Alam mo bang favourite ng asawa ko yung mga structures sa Seville at Granada? Particularly Alhambra. She is very fond with Muqarnas & Arabesque. Favourite niya rin yung Taj Mahal"

Parang may nag-ting somewhere sa utak ko. After all yung instinct namin sa designs ay tama – kaya naisip ko na gawing Neo-Islamic with Spanish touch yung interiors.

Nagkwentuhan pa kami after the dinner. Early dinner yun dahil nga may flight pa ako. 7:30 nang magpaalam na ako sa kanila na uuwi na dahil deretso pa ako ng airport.

"Aiden hijo, ihatid mo nga itong si Dex sa airport"

So Aiden pala ang pangalan ni bunso.

Siya nga ang naghatid sa akin. Tahimik siya nung una pero kinalaunan ay kinausap din niya ako. Nagpakilala siya, he's 29 narin ka-edad ni Ivo. Gaya ni Aliah ay Accountant din siya as well as Abogado na siya. Mas naging attracted pa siya sa paningin ko dahil nga may tendency akong ma-attract sa mga matatalino.

"So may asawa at anak ka na?" tanong ko dito.

Tumango lang siya.

Oh Dex, out of bounce. Pamilyadong tao si Attorney, lalake.

"But we're not in good terms with my wife. On process yung annulment namin"

"Ha? Paano yung bata?"

"Dalawa anak namin, so we decided na tig isa kami. Akin yung lalake, yung panganay dahil di ko sure kung sa akin talaga yung pangalawa"

Little Mix's Tape (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon