"Dex, andiyan nanaman yung jowa mong galit sa doorbell" sigaw ni Ate Dreza.
"Hayaan niyo lang" sigaw ko.
"Dex" sigaw naman ni Ate Dana kaya pumunta na ako at binuksan ang pinto. Nakita ko doon si Santi na ang ayos ng damit, karga karga si Mandi na bagong groom din. Sakto namang lumapit si Daddy sa may pinto.
"Anong atin bata, bat ka nandito?" tanong niya.
"Tito sorry po, di ko po alam kung kelan ko sinaktan si Dex o kung kelan ko siya niloko. Sorry po, ang kasalanan ko lang naman ay di ko siya natext o natawagan"
"Oh tapos?" tanong ni Dad na nagpipigil na siya sa pagtawa, nanginginig na kasi si Santi noon at mukhang luluha na.
"Sorry po" at ayun umiyak ang cute na si Ibahn Santi kaya naman tumawa na kami ni Dad.
Nagpunas ng luha si Santi at saka siya nagsalita "Ba't kayo tumatawa?" pagtataka niya.
"Galing mang uto nitong anak ko no?" pahayag ni Dad.
"Po?" maikling tugon ni Santi saka siya humarap sa akin at binigyan ako ng masamang tingin.
"Peace brother" tugon ko, binitawan niya naman si Mandi at saka ako niyakap kahit nakaharap si Daddy.
"Please don't do this to me again"
Tinawanan ko lang siya.
"Hay naku Sans Rival, mukha kang ewan"
"Coz I am so me when I'm with you ikaw lang nakakagawa sa akin nito hayop ka, please promise me not to do this to me again. I might die figuring out things"
I just nod on him, that nod is not an assurance na di ko na ulit iyon gagawin.
"Ui, si Mandi oh nakalayo na" tugon ko.
"Wait I'll get her for you"
----
Matapos ang hapunan ay umuwi na si Santi. Nasa room ako nun ng makareceive ako ng isang text message sa isang unregistered number.
"Hi Dex, good eve" tapos may smiley sa dulo.
"And who are you?" reply ko.
"Your one and only"
"Pfffffff" reply ko.
Nagtext ulit siya "Si Raikko to tol, palihim kong kinuha number mo sa phone ni pareng Santi. Nandito ako ngayon sa bahay nila, may tatapusin kaming project. Wanna join us?"
"No thanks, and why would you waste your time texting me?"
"It would be my pleasure wasting my time just to be with you Trumpets King"
Nagtaka na ako sa tinatakbo ng usapan namin, is he flirting with me?
"Anong intention mo bata?"
"Hindi na ako bata no, gusto mo ba patunayan ko sayo? I'm a good kisser di tulad ni Santi na virgin pa ata sa lahat. I'm good at bed too" reply niya.
"I don't care"
"I like you"
"Che!"
"Oo nga, simula nung makita ko yung trumpets video niyo ni Santi ay na-attract na ako sayo. Kaya nga ang saya ko nung makita kita kanina sa cofffe shop"
Di ko na nireplyan para matapos na yung convo namin. Naka ilang attempt din siya na tawagan ako pero di ko sinasagot.
Ang huli niya nalang na text ay eto. "Since di pa naman kayo ni Santi, makikipag-unahan ako for your heart. I'm a better lover Dex Armand, mas masasayahan ka sa akin"
BINABASA MO ANG
Little Mix's Tape (boyxboy)
RomancePaano ba mag-mahal ang mga Millenials? Sasabihin ba nating makabago narin ba ang pamamaraan nila ngayon digitalized na ang lahat. Na sa isang pitik mo lang nakukuha mo na ang hinahanap mo. Mas wild ba ang mga Millenials compared sa mga naunang he...