Chapter 14 - Bagong Panahon, Bagong Mundo

1.2K 43 0
                                    

Maraming bagay ang di mo mapipigilan....

Ang pagpatak ng ulan....

Ang pag-ikot ng mundo... Yang tibok ng puso mo, yang pagtaas baba ng baga mo...

Di mo rin mapipigilan ang takbo ng orasan....

Kay bilis ng panahon....

Kay bilis ng kahapon...

Wari natulog lang ako, at pag-gising ko

Iba na ang mundo...

Nasa ibang dimensiyon na ako....

[Shoutout to my Ex]

I was at the midst of my sleep ng parang may narinig akong umiiyak. Pinakiramdaman ko muna, I let my eyes half open. Parang habang tumatagal ay papalakas ng papalakas yung umiiyak.

Minulat ko na nga ang aking mga mata at tumitig panandalian sa kisame. Blanko yung kisame at kulay puti pero yung boses ng umiiyak ay papalakas ng papalakas. Ilang oras palang yung tulog ko kaya naman medyo naririndi na ako.

At habang naka-higa nga ako doon ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa nito ang isang batang lalake na umiiyak. Halos abot bewang ko yung taas ng bata, mataba at malaki ang tiyan. Maputi at putok na putok ang cheeks pero umagang umaga ay umiiyak. Patuloy parin siya sa pag-iyak habang papalapit sa akin.

"Oh bakit baby-ik?"

"Daaaaaad!" patuloy niya sa pag-iyak at parang mas nilakasan niya pa.

"Bakit umiiyak ang baby biik ko?"

Nakasalampak na siya sa sahig at nagwawala na.

"Ike!" sigaw ko pero patuloy lang siya sa pagta-tantrums.

"Ike Stefan!" sigaw ko. Pero parang mas lumala pa yung topak niya. Hay naku, bakit ba kasi pinanganak ng Pebrero tong mga batang to. Tumayo na ako sa kama saka ko siya binuhat at sinubukang patahanin.

"Stop crying na baby-ik"

"I'm not biik"

"Pero ikaw ang baby-ik ko Teptep"

"Ike ang pangalan ko (pronounced as AYK)"

"Pero gusto ko kayo yung baby-ik ko, my two biiks. Asan yung isang biik, ha?" tanong ko.

"Inaway niya ako, he punched me"

"Ay bad yung biik na yun ah"

Bumaba na kami at nakita ko nga ang isa pang biik dun sa lamesa at kumakain ng hotdogs at pancakes. Naghalong ketchup at chocolate syrup na ang nasa mukha niya. Yung damit niya ay ang dumi dumi narin.

"Morning biik one" bati ko at ngumisi lang naman ito.

"Bastie, we need to talk. Bakit mo sinuntok si Teptep?"

Ngumiti lang ulit si Bastie na para bang nang-iinis.

"Bastie"

Tumakbo siya sa akin saka ako niyakap kaya naman yung legs ko ay nalagyan narin ng ketchup at chocolate.

"Bastie, explain"

"Tinago ni Tep yung Gundam ko" paliwanag ni Bastie

"Dad, pinutol niya yung wings ng akin" sagot naman ni Tep.

"Siya yung nauna"

"Ikaw, sinungaling ka"

"Gusto mo suntukan nalang tayo ha?"

"Dad oh, nang-aaway nanaman si Bastie"

"Sumbongero"

"Anong sabi mo?"

Little Mix's Tape (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon