I count the ways I let you down
On my fingers and toes but I'm running out
Clever words can't help me now
I grip you tight but you're slipping out
And I remember your eyes were so bright
When I first met you, so in love that night
And now I'm kissing your tears goodnight
And I can't take it, you're even perfect when you cry
XOXOXOXO
Bakit ba tayo naa-attract? Metal ba tayo at magnet ang karamihan?
Bakit ba tayo nahuhulog?
Eto yung mga bagay sa ating buhay na mahirap i-resist. I already discussed about gravity back then. Hanggat may gravity, we are all freely falling bodies. Mahuhulog at mahuhulog parin tayo kahit sabihin man nating di natin sadya.
Saan nga ba nagsimula ang lahat? Saan ang puno't dulo ng usapang ito.
Paano daw ba magmahal ang mga "Millenials" considering nasa makabagong panahon na tayo.
Pareho parin naman, ang nagbago lang ay yung mode ng pagliligawan, yung pagkaka-kilala. Oo, mahirap intindihin ang mga teenagers ngayon. Sabi nga nila dahil nga daw mas makabago na ang pamumuhay natin, nagiging mapusok narin sila. Hindi nalang sila go with the flow, kundi go with the trend narin. May memes nga akong nakita about sa paghahanda sa lindol. Kung noon ay dock-cover & hold, ngayon daw sa mga millenials, dock-selfie & post. Yung parang necessity na i-post mong lumilindol- mga ganung bagay. Kaya sinasabi ko sa inyo, kung yun ang way of thinking niyo – naku mas mabilis kayong ma-tsugi mga sir madame.
They all want to take the risk at sumunod sa uso. Hindi ko nilalahat pero karamihan sa kanila ay ganun. Nagiging curious sila sa mga bagay bagay na tanging mga mature lang dapat ang gumagawa. Everything is inevitable, isa na sa nakakatakot sa lahat ay ang kagustuhan ng mga kabataan na tumanda agad para wala na silang limits sa anuman. I find this alarming, dahil karamihan ay di na nae-enjoy yung pagiging bata nila. Parang nagiging necessity narin ng karamihang kabataan na magkaroon ng jowa at that very young age. Parang yun yung sukatan ng kagandahan o kagwapuhan. Kung wala kang jowa, nganga ka. Ang akin naman, di bale nang walang jowa basta may pera. Hindi ka mabubusog sa hotdog lang ng jowa mo.
Sabi nga nila, you cannot live by love alone as well as you cannot live by bread alone. I love the bread, so mabubuhay parin ako. Kahit na single ako. Kung may jowa ka, at mahal niyo ang isat-isa well pasalamat ka. Konti lang yung binibiyayaan ni God ng ganyan. Kung wala naman, ay naku kapatid patas lang tayo. Mahalin lang natin ang sarili natin at ang kapwa natin. Dahil sabi nga nila, kung gaano kalaki yung binibigay mong pagmamahal – triple ang balik niyan sayo. May purpose daw si God sa lahat, nung una ayoko pang maniwala. Hindi ka talaga maniniwala hanggang sa di mo ito naexperience first hand.
BINABASA MO ANG
Little Mix's Tape (boyxboy)
RomancePaano ba mag-mahal ang mga Millenials? Sasabihin ba nating makabago narin ba ang pamamaraan nila ngayon digitalized na ang lahat. Na sa isang pitik mo lang nakukuha mo na ang hinahanap mo. Mas wild ba ang mga Millenials compared sa mga naunang he...