Endings are really hard to do,
and it's hard to do an ending where it's sort of collaborative
with thousands
and thousands of people, and to satisfy all those people is impossible.
XOXOXO
"Ay wait Santi, busy ka ba bukas"
"Uyyy aayain mo kong magdate noh?"
"Loko hindi noh, ahmm, you need to meet someone"
"Hah?"
"Cassedy" sigaw nung dalawa.
"Who?" pagtataka naman ni Santi.
"Bukas nalang, ako na susundo sayo sa bahay niyo.
Kinaumagahan nga ay binisita namin si Rich sa tinutuluyan nila. Nung una ay ilang sina Santi at Rich sa isat-isa. Nakwento ko narin yung mga nangyari back then. Natuwa naman siya nung makarga niya ang kanyang anak sa kanyang mga braso na di niya noon nagawa kahit minsan nung bata pa sina Ike at Icarus. Takot siya noong hawakan ang kambal nung maliliit palang sila.
Matapos naming mabisita sina Rich ay nagtungo kami sa Mall at namasyal. Nanood ng sine at naglaro sa arcade – just like the old times. Nang mag-gagabi na ay sumama na yung tropa. Parang normal nalang ang lahat, humingi ng tawad si Santi sa inasta nito the other day. Naglolokohan narin ang lahat.
"Pano yan bro, paano kung may boyfriend na yang si Dex pag-uwi niya ng Korea?" pang-aasar ni Raikko kay Santi.
"Kung saan sasaya si Dex, masaya na rin ako. We're friends bro, he deserves to be happy" sagot naman ni Santi.
"Nakssss!" kantiyaw nilang lahat.
"Daddy Santi, I want to popoo" saad ni Bastie.
"Naku, yan nanaman yung pasabog nila" banat ni Cody na tinawanan namin. "Di talaga nawawala yang routine nilang yan pag namamasyal ano?"
"Eh pano kain ng kain" sagot naman ni Greta.
"Anong gagawin?" tanong ni Santi sa akin.
"Samahan mo dun sa CR. Isama mo narin yang si Tep Tep, dahil tiyak pagkatapos ni Bastie susunod din yan"
"Ah ganun ba, sige. Oh tara na baby-iks, may naamoy na akong di maganda" tinawanan lang namin si Santi.
"Aysus, ayun na po mga sir madame. Ngumiti na po ng bongga ang Dex Armand natin" pangaasar ni Aries.
"Handa na ulit magmahal ng iba" dagdag ni Greta.
"Hayaan mo pogs, hahanap tayo sa Korea" pahayag ni Kayla.
BINABASA MO ANG
Little Mix's Tape (boyxboy)
RomancePaano ba mag-mahal ang mga Millenials? Sasabihin ba nating makabago narin ba ang pamamaraan nila ngayon digitalized na ang lahat. Na sa isang pitik mo lang nakukuha mo na ang hinahanap mo. Mas wild ba ang mga Millenials compared sa mga naunang he...