Chapter 26 - Alter Egos

1.1K 70 19
                                    

It's the way you look tonight that makes my heart skip an altered rhythm

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

It's the way you look tonight that makes my heart skip an altered rhythm...

An algorithm I never imagined that I'll feel right now...

Is this really happening to me?

What have you done?

What have you done to my frozen heart?

------

"What's the plan? At what kind of dance competition?"

"Ballroom dancing" tugon ni Kayla saka ito ngumiti.

Shet talaga, ballroom pa talaga bes. Kung contemporary to jazz sana ay ok lang. Pero bes, ballroom.

"Ako yung magiging lalake, then you'll be the girl" paliwanag ni Kayla.

"Parang ang sagwa naman pogs, paano mo ako ili-lift niyan eh may mga liftings ang ballroom"

"As if naman di kita kayang buhatin noh, yan ngang si Neil kaya kong buhatin at ibalibag ikaw pa kaya na mas payat kesa sa kanya?"

"Sabagay, war freak amazona ka kasi"

"Wag ka munang magkakain ng ma-carbs, mag-diet ka muna" ani nito. Inismiran ko nalang siya. "MWF yung practice natin, I'll talk with Sir Mark para turuan tayo. Kakausapin ko din si Penny for your makeover"

"Penny?" pagtataka ko.

"Oo, si Stephen. Yung pinsan ni Aries na may crush kay Tito Drake at sa Ex mo. Diba?"

"Gaga, Penny ka jan, Fanney ang pangalan nun. Patawa ka"

"Ah basta tunog bakla ok na. Oh ready ready na ha. Ipractice mo nang itago yang bukol mo, pasaberg ate yung outfit natin"

"Baka naman naka-panty lang akong pupunta dun. Papatayin kita Kayla"

"Not a bad idea, ahy maka-usap nga si Fanney para sa oufit mo. Diba fashion designer yun?"

"Mananahi siya ng isang fashion designer. Hindi siya mismo yung nagdedesign, magkaiba yun"

"Eh ganun na din yun basta galawang bayot"

"Umayos ka Kayla, yang dila mo"

"Naeexcite ako besh"

"Ako hindi, kinikilabutan ako sa ideya mo. Kahit kelan tinik ka sa balun-balunan kong balahura ka"

Hindi na ako nakatakas pa kay Kayla.

Halos araw araw siyang bumibisita sa bahay, kulang nalang ay magcamping kami doon. Nagsimula narin kaming bumalik sa pagja-jogging sa stadium tuwing gabi. Pumupunta sa mga yoga classes. Tinupad ko nga yung sinabi niyang mag-diet ako. Kaya naman NO Rice ako sa gabi at kung meron man ay konti lang. Para tuloy akong nanghihina. Nagsimula narin yung practice namin with Sir Mark. Nung una ang hirap kasi nga may mga instances na di ako mabuhat ni Kayla.

Little Mix's Tape (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon