Umakyat nga ako ng rooftop kung saan nandoon ang pool, wala nang tao dun nun kaya naman tahimik na at malamig din ang simoy ng hangin dahil katatapos lang umulan. Nagmuni-muni ako, pinagmasdan ang madilim na kalangitan na pinagkaitan ng bituin. Pinagmasdan ko rin ang busy'ng lansangan, ang city light, lahat na maabot ng mata ko.
"How do I see myself 10 years from now?" tugon ko sa sarili ko, nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni-muni ng biglang mag-vibrate ang phone ko na nasa bulsa ko, pagtingin ko unregistered yung number at mukhang international call ito. Inassume ko nalang na baka si Mommy dahil kadalasan ay ganun siya.
"Hello?" bigkas ko.
"Maantay mo ba ako?" kilala ko ang boses na yun.
"Who's this?" tanong ko kahit kilala ko naman na kung sino yun, bumibilis na ang tibok ng puso ko, nahihirapan na akong huminga dahil sa medyo mahangin nga sa taas.
"Antayin mo ko, I'll fight for you coz I was made for loving you" sabi niya, aba'y bigla nalang akong ngumiti pero pumatak din ang aking luha at the same time.
"Ibahn Santi" bulong ko. He ended the call.
"I was made for loving you"
---
"Tang ina mo Santi, ganun ganun nalang ba iyon? Hanggang kelan ako aasa, hanggang kelan ako mag-aantay?" sigaw ko habang patuloy na ang pagbuhos ng luha sa mga mata ko. Bigla namang bumuhos ang malakas na ulan sabayan pa ng kulog at kidlat, di talaga ako sumilong nagpabasa ako sa ulan.
"Hoy baliw ka ba, ba't ka nagpapa-ulan diyan?" tanong ng isang boses na pamilyar sa akin, paglingon ko si Nigel pala.
"Paki mo ba?" lumapit siya sa akin kaya nabasa narin siya ng ulan, itinayo niya ako at sumilong kami.
"Baka ka magkasakit niyan, tara na baba na tayo at ng makatulog ka na"
Sumunod lang ako, hinatid niya ako sa kwarto ko. "Pasensya ka na sa nakita mo kanina, eh wala eh tinamaan nanaman tayo ng L"
Nagsmile lang ako. "Goodnight Dex" saka siya humalik sa noo ko, di ko na pinansin at pumasok nalang ako sa kwarto ko. Doon ko lang narealize na nabasa pala ng ulan yung phone ko dahil nga nagdrama ako.
"Takte, ngayon pa talaga." Ayun wala soaked si Iphone, deds na gaya ng pagmamahalan namin ni Santi malabo pang maging 50-50.
Nagmessage nga ako kay Ate sa Viber gamit ang laptop ko at sinabi kong deds na ang phone ko at nabasa ng ulan. Ayun, sangkaterbang sermon ang inabot ko, minura pa ko sa huli bago nag Goodnight bunso at may kasama pang I love you. Naisipan ko ngang mag-shower ulit, hot shower naman this time. Pinuno ko rin ng tubig yung bath tub at kahit 10:30 na ay naisipan ko pa talagang magbabad. Nag-spotify din ako para maset yung mood.
"Loving can hurt
Loving can hurt sometimes
But it's the only thing that I know
When it gets hard
You know it can get hard sometimes
It is the only thing that makes us feel alive
We keep this love in a photograph
We made these memories for ourselves
Where our eyes are never closing
Hearts are never broken
Times forever frozen still"
----
10 years later
Nasa arrival area ako ng NAIA Terminal 3 at kagagaling ko lang sa site namin sa Cebu at ngayon naman ay dederetso ako sa opisina namin sa Ortigas kahit wala pa akong tulog at ligo. Kahit ganun man ay masarap parin naman akong tignan (chos). Yes, isa na akong Arkitekto at kasalukuyang nagtatrabaho sa isa sa mga kilalang Architecture Firm sa bansa. Tumanda man sa edad pero sa itsura ay konti lang ang itinanda. Buhatin ko na ang sarili kong bangko, konti lang ang itinangkad ko, pero yung katawan ko ay medyo gym buff na ngayon. Magkasing katawan na kami ng Daddy ko, though mas payat lang ako ng konti. Laging busy ang schedule ko at halos every week ay nasa Airport ako for some out of Metro sites. Nakakapagod man ay naeenjoy ko ang ginagawa ko.
BINABASA MO ANG
Little Mix's Tape (boyxboy)
Lãng mạnPaano ba mag-mahal ang mga Millenials? Sasabihin ba nating makabago narin ba ang pamamaraan nila ngayon digitalized na ang lahat. Na sa isang pitik mo lang nakukuha mo na ang hinahanap mo. Mas wild ba ang mga Millenials compared sa mga naunang he...