Chapter 25 - Bring me to Life

1.2K 47 14
                                    

  "A lost road will remember your footsteps because someday you may want to return, tracing the way

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

  "A lost road will remember your footsteps because someday you may want to return, tracing the way." 

---------------------------------------

"Pogs, wake up! Pogs!" boses ng babae.

"Pogs!" sigaw nito, matapos nun ay nakadama ako ng sampal. Ang lakas kaya napabalikwas ako. Takte, naka-brief lang ako at nakababad sa bath tub. Kahit basa ako ay niyakap ako ni Kayla.

"Akala ko talaga mamatay ka na" tugon ni Kayla.

"What are you talking about?" pagtataka ko.

"You just called me a while back, sabi mo papatayin ka ni Santi" paliwanag nito.

"What the fuck, paano naman kita tatawagan" pinakita nga niya yung call register nito. Itinuro din niya yung phone na nasa tabi. Ugali ko kasi yun, na magpasounds habang naliligo.

"Pinag-alala mo ako" dagdag pa ni Kayla.

"It was just a bad dream Pogs, really bad dream" paliwanag ko dito.

"At kung di mo ko tinawagan at di ako pumunta dito, I'm sure lunod ka na diyan sa bath tub. Next time ha wag kang matutulog pag magbababad ka"

"Paanong nangyaring nakatawag ako sayo when I'm in a deep sleep?"

Nagkibit balikat nalang si Kayla at bakas parin sa mukha niya yung pag-aalala.

Nagtuyo na ako ng katawan saka nagbihis. Matapos nun ay lumabas kami ni Kayla at nagpunta sa Mcdo. Dun ko na kwinento yung napanaginipan ko. Nakakatakot, kahit panaginip yun ay damang dama ko. Ganun ba kagalit yung ex ko sa akin?

"Wag ka ngang mag overthink Pogs, diba nga sabi kabaliktaran daw yung mangyayari" saad ni Kayla.

"Ah basta, parang totoo kasi. Baka pag nakita ko ulit si Santi kahit walang rason sasapakin at sasakalin ko yun"

"Mahal ka nun"

"Utot niya, naku pag ako papatayin niya uunahan ko yang tukmol na yan. Nanggigil ako bes, di daw ako tumupad sa usapan. Sinukuan ko daw siya, my gash siya yung unang nang iwan. Bwisit. Bwisit! Haaaaaa, bakit ba?"

"Umaga na sa kanila, why not tawagan natin yung kambal"

"NO!"

Tinaasan niya lang ako ng kilay.

Di na ako nakatulog pa noon, hanggang umaga gising ako. Lutang yung isip ko at ang laki ng eyebags ko. Natatakot ako na pag ipinikit ko yung mga mata ko ay bumalik ulit yung masamang panaginip na yun.

Masaya maging single, pero mahirap ang mag-isa. Ang ironic ng buhay natin. Tayong mga nasa third sex- everything is uncertain. Parang we are born this way to suffer the consequence of living & dying alone. Nakakatakot mag-isa. Walang mag-aalala sayo, walang gigising o magmamalasakit. Ikaw lang – kasi nga mag-isa ka. Mamamatay ka nalang na mag-isa, mamatay ka sa bangungot. Yang love love kasi na yan, panira. Parang Undas lang yan eh, pag binaliktad mo Sad nu? Magiging sad ka lang. Pero ganun din, sad ding maging loner.

Little Mix's Tape (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon