Doubt thou the stars are fire, Doubt that the sun doth move. Doubt truth to be a liar, But never doubt I love.
William Shakespeare
---------
Gabi na nang maisipan kong bisitahin si Rich sa tinutuluyan niya. Sinabi niyang mag-isa lang siya dun at wala yung pinsan niya. Mahirap din ang sitwasyon niya dahil nga itinakwil siya ng Tatay niya matapos malaman ang pagbubuntis nito. Tanging ang pinsan niya nalang na si Ellen ang tumutulong dito.
Dinala ko lahat ang mga gamit na binili ko sa tinutuluyan niya. Di niya napigilan ang mapayakap sa akin at mapa-iyak. Kahit na isa siya sa dahilan ng tuluyan naming paghihiwalay ni Santi ay di ko parin siya masisisi. Biktima lang din siya ng pagkakataon.
"Kuya, maraming salamat at sorry po, sorry po talaga" tugon nito.
"Sssssssh, tapos na yun. Ang mahalaga ay yung ngayon. Oh kumusta ka naman"
Umupo nga kami, pansin ko naman na nabibigatan siya sa dinadala niya. Malaki na ang tiyan niya at malapit narin siyang manganak.
"Sinusubukan kong maging ok kuya"
"Nakausap mo na ba siya?" tanong ko pero umiling lang ito.
"You heard anything from his Mom?"
"Wala din po"
Nagkunot noo ako.
"Ganito nalang ata talaga kuya, di ko naman siya masisi kasi nga diba po kakatapos lang ng operasyon niya. Back to zero nanaman daw po yung memory niya at di po siya makalakad o maka-salita"
"Huh?"
"Opo, yun po yung huling nabalitaan ko. Kawawa nga rin po yung kambal eh, nakita niyo na po ba pictures nila?"
"No"
Kinuha niya yung phone niya at pinakita sa akin ang latest pics ng Ex ko at yung kambal. Ang payat na nina Tep at Bastie, pati narin si Tita Agnes. Si Santi naman ay naka wheel chair dun, may benda ang ulo at parang blanko lang ang expression.
"Oh God" reaction ko. Para akong nanlumo, shit baka multuhin ako ni Dianne. Pinabayaan ko yung kambal.
Andami naming napag-usapan at habang tumatagal ay nauunawaan ko kung saan ang pinanggagalingan ni Rich.
"Kuya bata palang po ako naghahanap na po ako ng kalinga at nung makilala ko po si Santi parang napunan niya po yung void sa pagkatao ko. Lumaki po akong takot sa Tatay ko, ang hirap po niyang i-please. Santi opened a different world for me"
"But that world is a perfect illusion"
"Yun nga lang"
"What are your plans after mo manganak?"
BINABASA MO ANG
Little Mix's Tape (boyxboy)
RomancePaano ba mag-mahal ang mga Millenials? Sasabihin ba nating makabago narin ba ang pamamaraan nila ngayon digitalized na ang lahat. Na sa isang pitik mo lang nakukuha mo na ang hinahanap mo. Mas wild ba ang mga Millenials compared sa mga naunang he...