Forgiving does not erase the bitter past. A healed memory is not a deleted memory. Instead, forgiving what we cannot forget creates a new way to remember. We change the memory of our past into a hope for our future.
XoXoXo
"Pogs ayos ka lang?"
"Malamang OO"
"I mean ayos ka lang ba talaga?"
"Bakit ba?" tumingin muna si Kayla sa taas, andun parin yung mga biik.
"Mga anakis, takbo na kayo sa kwarto naku eto na si Mommy Kayla" sumigaw naman yung kambal saka tumakbo pabalik sa kwarto nila. Nang masiguro ni Kayla na wala na yung kambal ay agad niya akong binalingan.
"Santi's back, narinig ko yung usap-usapan. Tinatawagan ka daw ni Tita Agnes pero di ka macontact. Nasa bahay nila sila ngayon"
"Nakita ko siya kanina Kayla, muntik na niya akong mabangga"
"Oh tapos?"
"Anong oh tapos, gaga ka pala eh"
"I mean anong naging reaksiyon niya, ano kumusta?"
"Wala, di niya ako kilala. Ang laking pagbabago"
"Ganun ganun nalang? So ano?"
"Gwapo parin, mas pomogi actually. Pero wala na yung mga matang minahal ko, iba na talaga"
"Nasasaktan ka ba dahil di ka niya kilala?"
"Sino ba naman ang hindi?"
"Mahal mo parin ba?"
"Sana hindi na, pero iba yung bilis ng tibok ng puso ko kanina pogs. Grabe parang gustong yakapin ng puso ko si Santi. Pero yung utak ko at yung buong katawan ko yung pumipigil sa akin"
Niyakap nalang ako ni Kayla, di ko na napigilan pang di umiyak at humagulgol.
Nung gabing yun ay nag-post si Kayla sa Group Chat namin.
"Mga mare at pare, 7:30 PM bukas sa Villareal's Mansion"
Agad namang nag-react sina Greta at Aries
Greta: Excuse me?
Aries: Tama ba tong nababasa ko ha?
Cody: Anong meron?
Raikko: Santi's back
Aries: Ay weh, hoy mga sir madame baka nakakalimutan niyong nadito si Armando sa GC natin
Kayla: Alam niya, actually siya yung unang nakakita kay Santi
Andami pang mga sumunod na messages.
Me: I'm fine guys, kita-kita nalang tayo dun. Sabi ni Tita Agnes gusto daw tayong ma-meet ni Santi. At kung may mga pictures daw kayo diyan na kasama siya, magdala kayo kahit na yung buong album.
BINABASA MO ANG
Little Mix's Tape (boyxboy)
Roman d'amourPaano ba mag-mahal ang mga Millenials? Sasabihin ba nating makabago narin ba ang pamamaraan nila ngayon digitalized na ang lahat. Na sa isang pitik mo lang nakukuha mo na ang hinahanap mo. Mas wild ba ang mga Millenials compared sa mga naunang he...