All water has a perfect memory and is forever trying to get back to where it was.
----
"You look different now. You look better now. Far better, as much as I remembered mukha ka pang patpat noon. Oh by the way how's Ibahn Santi? Still together, I bet hindi diba?" tanong nito, di parin siya nagbabago – taklesa parin.
"He's in London" maikli kong sagot. "How about you, Neil Justine? How are you"
"I'm Good! Justine nalang, para naman tayong di magkaibigan niyan"
Di talaga tayo magkaibigan – Hello.
"Ano nang nangyari sayo" casual kong tanong, kahit ang gusto kong tanungin ay kung kelan ba siya mamatay.
"Oh I'm a Contractor now, a full pledge Engineer at ako narin nagpapatakbo sa negosyo ni Dad. Ikaw ba, diba nag-work ka abroad? Saang restaurant na ba yun? Or is it Hotel"
Aba ini-insulto ata ako ng hayup na to.
"Both Justine. I worked as part time service crew in a restaurant in Madrid, I also worked as a receptionist in a Hotel in Barcelona. Na-try ko rin magturo ng Asian Languages sa isang University. Extra income din kasi yun para narin may pang allowance ako. Ayoko kasi yung naka-depende nalang lagi sa Tatay ko"
Nakita ko yung naging reaction niya. "Aaaah, working student ka pala back then. Ang hirap naman ng naging buhay mo dun. You studied Fine Arts right, saang University naman? I bet scholarship yun" saka siya nag-smirk.
"Yeah, I've got an scholarship, mahal kasi mag-aral sa London. Mahirap rin makapasok sa isang prestigious school like AA. At hindi Fine Arts ang tinapos ko, Architecture. At habang nag-aaral ako dun, nagtatrabaho rin ako"
"So Architect ka na?"
Malamang, gaguhan lang? Nag-aral ng Architecture para maging Doctor ganun. Tanga din tong isang to eh, gwapo nga fragmented naman ang utak.
"Yep" sagot ko nalang. "Actually I'm running a small Architecture Firm in my Province – Design ArchQtexts"
"Ahy kayo yun? Omygawd!" saka siya tumawa.
Nainsulto ako dun, just by his presence ay nainsulto na ako.
"Why?" tanong ko.
"I'm sorry ah, pero I don't like your designs. It was kinda fancy & cheap looking" walang kagatol-gatol niyang sagot. "At kayo ang napili pala ni Tito Igor na mag-design ng Office Building namin? Oh come on! Ooops, I'm sorry Dex"
"Ok lang Justine, wala naman sa amin yun. Iba iba kasi tayo nang perception"
"No offense ha, pero hindi kasi realistic yung designs niyo"
"Justine may I know kung ilang projects na yung nahawakan mo?" pagda-divert ko sa usapan.
"Ay marami na, di ko na nga mabilang"
BINABASA MO ANG
Little Mix's Tape (boyxboy)
RomancePaano ba mag-mahal ang mga Millenials? Sasabihin ba nating makabago narin ba ang pamamaraan nila ngayon digitalized na ang lahat. Na sa isang pitik mo lang nakukuha mo na ang hinahanap mo. Mas wild ba ang mga Millenials compared sa mga naunang he...