You can be the moon and still be jealous of the stars.
------
"Straight ka diba?"
"Yes, as far as I know. Babae parin ang gusto ko, I'm not over with my ex yet. Ayoko naman sa ibang lalake pero pagdating sayo iba. Di ko ma-explain yung nararamdaman ko"
"Ivo, walang straight na lalake ang papatol sa kapwa niya. Unless kapit sa patalim nalang talaga. Pero ito ka oh, why are you making my life more miserable?"
"Di ko na alam"
"Nakita mo lang sa akin yung Ex mo that night kasi bihis babae ako. Kung siguro ganito ang itsura ko nun wala sanang nangyaring ganun. Ivo wag ako please. Pwede?"
"But your scent already permeated my skin. I already can't get enough of you"
"That's insane Ivo, I'm not Tricia ok?"
"Of course I know that"
"And I will never be Tricia. Kung alam mong straight ka talaga, humanap ka ng babae na kagaya ni Tricia. Wag ako. Honestly speaking? Sawang sawa na ako sa ganito"
Di siya umimik, siguro naintindihan niya ang gusto kong iparating.
"I'm going home, it's been a long day" tugon ko dito.
"Dito muna ako" sagot naman niya.
"Bahala ka"
Pumasok na nga ako sa sasakyan ko at saka nag-drive na pauwi.
Pagkauwi ko ay dinasal ko na sana tantanan na nga ako ni Ivo. Na sana ok na yung lahat. Handa naman akong magmahal eh, wag lang malagay sa komplikadong sitwasyon. Loving Ivo is complicated.
The likes of him shouldn't mingle with the likes of me.
Una, he's straight. I know he's straight. Never kasing umilaw yung gaydar sa tuktok ng ulo ko. Pwera nalang kung palyado yung tungsten nito.
And he will never fall in love with me. He'll never be. Unless, he's not straight talaga. May ganun kasi eh, bisexual type. 90% attracted sa girl and the remaining 10% ay sa same sex. Pero hindi sila yung kung sino-sino napo-fall. Most of them ay sa isang guy lang talaga. But still they're not straight.
Napaka-ironic lang eh, marami parin sa atin ang di marunong mag-classify. Hindi lahat tayo ay nabiyayaan ng maliwanag na bumbilya sa ulo. Yung bang may built-in gaydar. Malalaman mo naman eh kung straight ba o hindi ang isang lalake. You feel it by just looking at his gestures & his eyes.
Posible daw ba na ang straight guy ay mainlove sa kapwa niya? We're talking about straight here!
Ang sagot ko, my personal opinion which has a basis - HINDI.
Kaya nga straight diba? Yung iba naniniwala, hayaan ko nalang sila. But not me. Mahirap i-explain yung konteksto. Parang explanation on why you grant someone a parole or pardon given the fact na heinous crime yung ginawa nila.
Marami kasi sa atin ang nag-aassume, marami sa atin na simpleng gesture lang ituturing na natin na may something. Wag tayong malito ok? Kung yung guy ay nagiging sweet sayo, maharot or at ease siya sayo it doesn't mean na type ka na niya. Most "straight" guys are looking for fraternal affection. Some of them are homophobes, some are pretending to be straight but not.
Let's talk about fraternal affection – ako din noon di ko maintindihan to. Pero nung time na sinubukan kong mas lawakan ang understanding ko unti-unti kong na-adopt. Fraternal affection – gusto ka niya dahil nasa parehas kayong wavelength, parehas kayo ng goal, ng hilig. The word fraternal itself already suggests the meaning. Ayaw ka niyang mawala dahil parang parte ka na ng pagkatao niya. You're like the BROTHER he never had. Nagiging sweet siya sayo, dahil at ease siya sayo. But that doesn't mean na mahal ka niya. OO in some ways mahal ka niya, but not the love you assumed to be. It will never be the romantic side lalo na nga kung straight yung guy. May mga straight guy talaga na malamya kumilos, masyadong mabait, yung paghihinalaan mo talaga. But in the end pag nalaman mo na yung pinanggagalingan nila, dun mo maiintindihan.
My psychology professor once said, na pag ang lalake ay may naramdaman sa kapwa niya lalake other than the fraternal thing, he has sexual urges towards his kind or he want thrill or the romantic relationship – he's not straight anymore kahit pa sabihin niyang trip trip or astig to astig goals lang. Something in his genetic make up is already abnormal. It's all about chemical reactions in the brain, it's all genetically inclined. Pero yung role ng environment & society yung nagti-trigger eh. As long as yung missing link mo somewhere in your genetic make up is curious on what it feels to be, gagawa at gagawa ng paraan yang brain mo to satisfy that curiosity. But in the end, gagawa ulit ng paraan yung utak natin to divert the truth. Papaniwalain natin yung sarili natin sa kasinungalingan. Sa kung ano ba talaga tayo. But for me, as long as di mo ma-accept kung sino ka talaga – freedom is not for you. You will bear that heavy stone until the very end. At yang mabigat na bato na yan ang magsisilbing lapida mo narin. I'm not here to judge anyone, everyone has the right to chose what path to go. Ang akin lang, wala sanang taong masasaktan lalo na yung mga ginagawang cover girl para lang pagtakpan yung totoong sarili. May feelings din po sila. Forgiving, forgetting & trusting is really hard.
Hanggat hindi mo ine-embrace yung truth, you will not be free.
Another question, paano mo daw ika-classify yung mga guys who are working as pay for sex individuals, escorts, dancers & the like? Straight pa ba sila? Can anyone answer me this?
I have an answer, but I need another view of the plane.
[Nagmamagaling nanaman ako, baka ibash nanaman ako ulit. Honestly speaking, somewhat na-trauma ako dun sa basher na yun. He somewhat brought back that feeling I feel when I was still in High School – its called a lot of bullying & rejections. That's why. Sorry guys epekto na to siguro ng pagbabasa ng bulto bultong case decisions. Hindi po ako nagmamagaling dahil di po ako magaling, just sharing my opinion baka gusto niyo lang. Hahaha :-)]
Back to Ivo.
Ano yung mali?
Dahil straight siya.
Pero nakipag-sex siya sa akin.
Straight parin siya?
Yes...
Why?
I look like his ex. I look like Tricia that night kaya ganun. His brain created an illusion because of his longing plus the alcohol. Akala niya yung ex niya yung katalik niya that night. He still loves his ex. Mahirap mahalin yung mga taong ganun.
Ivo is also seeking for paternal love. Fatherly love. He was seeking for someone na maiintindihan siya. He wants to be accepted. Based on my observation, kulang siya sa ganun. Malayo ang loob niya sa Kuya at Tatay niya dahil nga walang bilib ang mga ito sa kanya. Parang tinuturing nila itong failure lagi. Yun siguro ang nakita niya sa akin – I was just his brother na nakakaunawa sa kanya.
Pero ayokong ma-attach sa kanya. I like his attitude, yung pagiging makulit niya, yung humor niya, yung mga pang-aasar niya. Plus his looks, damn it pasok siya sa taste ko. At pag tinuloy pa niya, baka mahulog na ako ng tuluyan at darating nanaman yung time na di ko nanaman maangat yung sarili ko sa kinahulugan kong iyon. Yung kung kelan hulog ka na, dun ka naman iiwan.
My heart is made of glass. I am made of glass. Try breaking me and I'll cut you in half. And I'm sorry I don't have a shatter proof film. Pag binasag mo ako, pagsisisihan mo.
Andami kong iniisipthat night, my mind is pre-occupied. Parang di ko maconnect yung mga dots napinagpa-plot ko. Hanggang sa nakatulog nalang ako.
BINABASA MO ANG
Little Mix's Tape (boyxboy)
RomancePaano ba mag-mahal ang mga Millenials? Sasabihin ba nating makabago narin ba ang pamamaraan nila ngayon digitalized na ang lahat. Na sa isang pitik mo lang nakukuha mo na ang hinahanap mo. Mas wild ba ang mga Millenials compared sa mga naunang he...