Chapter 04

1.2K 41 4
                                    

Matapos kong masagutan ang mga dapat sagutan sa lab manual ay dumiretso agad ako sa library. Dun ako sa sulok kung saan di pinupuntahan ng mga estudyante dahil mga libro yun na puro engineering mathematics, dynamics, calculus at strength of materials ang nakalagay. Dun ako nagmukmok at unti unti ay tumulo ang luha mula sa mata ko. Di ako pumasok sa Elective class ko kaya naman hanggang mag-uwian ay doon ako. Sa gate 3 ako lumabas para di ako makita ni Ryan, at mag-isa nga akong umuwi dahil nga may training si Kayla. Pag-uwi ko ng bahay ay balisa parin ako, galit ako sa mundo, galit ako kay Ryan dahil palagi niya nalang pinaglalaruan ang feelings ko. Para madivert yung loneliness ko ay tinurn on ko yung radyo at wow sakto pa talaga putang ina, tumugtog yung "Halaga" ng Parokya. Seryoso talaga, pati Dj pinaparinggan na ako.

"Tinatapon na nga ng iba, pinupulot ko pa. Pinapangarap ko pa na maging akin siya, e di man lang niya magawang ipakilala ako bilang kanya" tugon ko sa sarili ko.

Bigla namang tumunog yung phone ko, si Ryan nagtext ulit.

"Fur, nagawa mo na ba yung project ko? Bukas na kasi ipapasa yun eh, salamat"

Oh diba, ako na ang tanga, ako na ang martir kasi naman dinadaan niya ako sa jolly hotdog niya. Di ko siya nireplyan, akala ko naman tatanungin niya kung nasaan ako, bakit di ako pumunta sa rehearsal room, ba't di ako sumabay sa kanya pag-uwi, kung kumain na ba ako, kung anong ginagawa ko. Wala, yung project niya lang daw kailangan kong tapusin at isusubmit niya bukas. Though tapos ko naman na, simpleng powerpoint presentation na nga lang di pa niya magawa. Buwisit.

Inis na inis ako that night kaya naman nangapit bahay ako at pinuntahan si Kayla.

"Aaaah pogs" di ko pa nasasabi lahat ay umentrada na siya.

"Alam ko pogs may pekpek na ang balita ikaw na lang ang wala. Alam ko na na magjowa na sina Ryan at Gretchen oh ano ka ngayon?"

"Pogs, ang sakit eh"

"Karma ang tawag diyan, malandi ka kasi akala mo naman iisa lang ang lalake sa mundo"

"Kasi ano eh..."

"Dahil ba addicted ka sa jolly hotdog niya, naku naku naku lust ang tawag diyan hindi love. At sa mga kilos ni Ryan na yan ginagamit ka nalang niya for his own good. Kaya kung ako ikaw, mag-isip ka ha hindi yung puro yung benefits na nakukuha mo sa kanya ang iconsider mo"

"Pero...."

"Hindi sapat na mahal mo lang siya pogs, alam mo wag mo na kasing ipagsiksikan ang sarili mo kung di ka naman na talaga kaysa. Wag mo nang higpitan pa ang hawak masusugatan ka lang. Kung di ka pa matauhan ia-uppercut na talaga kita"

Napabuntong hininga nalang ako.

"Tignan mo nga yang sarili mo, alam mo bang ang ikli ng shorts na suot mo ngayon, pekpek shorts teh? Wala ka ba sa katinuan?"

Tinignan ko nga ang suot ko, "Ay oo nga, lumabas ako ng bahay na ganito?"

"Naka swimming trunks gabing gabi, aysus may sayad ka talaga sa utak damuho ka, umuwi ka na nga at magbu-beauty rest na ako"

"Dito na ako matulog, tabi ako kay Kuya Aki"

"In your dreams Dex Armand, uwi ka na bilang ko na yang hakbang papunta sa bahay niyo. Mga 15 lang, kaya uwi ka naaaah, shooo, chupiiiii"

Gwapo rin kasi si Kuya Aki pati na si Kuya Arnold niya, crush ko silang dalawa. Pero di pwedeng awrahan at ininja moves yung mga yun eh, straight kasi sila at mukhang mga bad boy.

Kinabukasan ay inabot ko nga kay Ryan yung project niya.

"Salamat" tugon niya, saka na siya tumungo sa room nila. Kung cold siya noon, mas cold naman siya ngayon. Masyado akong nag-expect sa mga bagay bagay, kaya eto ako ngayon Nga-nga. Dun naman ako magaling pagdating kay Ryan eh, ang ngumanga. Fuckshit.

Little Mix's Tape (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon