Chapter 17-The European Bliss

1.3K 44 5
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Shoutout to my Ex]

London, England 8 years ago

It was 9:00 in the evening, katatapos lang ng workshop class ko sa AA, I haven't eaten my dinner yet. Pagod na pagod ako at wala pang tulog. Loaded na loaded ako sa school and next week ay lilipad kami pa-Netherlands for an excursion. I haven't prepared my case yet at di pa ako nangangalahati sa research ko. Pumunta ako sa fridge para tignan kung anong pwedeng iinit o lutuin na ulam. Dahil nga sobrang lamig ay napagdesiyunan ko na sopas nalang. Ang hirap maging independent, ang hirap mag-isa lalo pa pag nasa abroad ka at malamig ang klima. Ni minsan ay di ko naman binalak na umuwi ng Pilipinas dahil nga sabi ko sa sarili ko, I will never get back to the Philippines unless ok na ok na ako.

Nang matapos ko maluto yung soup ay kumain na nga ako habang nagbabasa ng libro patungkol sa theories & practices in planning. Inaaral ko rin ang Tectonics and the Malevich Technique. Naisipan kong buksan ang laptop ko at inuuna ko talaga ay sa mga news page lalo na ng balita mula sa Pilipinas. Noong una mga extra judicial killing cases at mga pagdinig sa Senado ang napapabalita, ang mas pinalawak na war against drug hanggang sa mapunta ako sa balita na gumulantang sa akin.

"Patay sa pananambang ang isang kongresista sa pangalawang distrito ng Batangas na si Cong. Ignacio Villareal III matapos pagbabarilin habang pauwi ito sa resthouse niya sa Calatagan. Nagtamo ng apat na tama ng baril ang nasabing kongresista, dalawa sa likod, isa sa tagiliran at isa sa sentido. Patay din ang driver at dalawang security escort nito habang kritikal naman ang lagay ng anak nitong si Ibahn Santi Villareal na kasalukuyang nasa ICU ng Makati Medical Center. Inanalam pa ng mga awtoridad ang motibo ng pagpatay"

Parang tumayo lahat ng buhok sa katawan ko, mas nilamig pa ako. Tulala at unti-unting dina-digest ang lahat ng nalaman ko. Kinuha ko ang phone ko at sinubukan kong makibalita kay Kayla. Naka-ilang attempt din ako sa pag-dial bago niya pinick-up ang tawag ko.

"Hello?" bungad niya.

"I heard the news, how was he?"

"Ha?"

"Kayla, how was Santi?"

"He's fine!" sagot nito na parang antok na antok pa.

"Pucha Kayla, nasa ICU siya at sabi critical ang lagay niya tapos sasabihin mo sa akin na he's fine"

"Wait lang ha, ano ba kasing nangyayari at tumatawag ka ang aga aga"

"Turn on the news, goodbye" bwisit kong sagot.

So meaning di pa alam ni Kayla ang nangyayari dun. Ako pa na nasa ibang bansa ang unang naka-alam. Kaya naman tinawagan ko na si Raikko.

"So nabalitaan mo na pala?" tugon nito.

"How was he?" tanong ko.

"Still unconscious, medyo grabe yung tama niya"

"Mabubuhay ba siya?"

Little Mix's Tape (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon