Chapter 06

1.4K 37 1
                                    

"Dex, can we talk?"

"Go away!"

"Kakanta nanaman ba ako?"

"No, please go"

Maya maya pa ay bigla nalang bumukas ang pinto at nakita ko dun si Ate Dana. Tinawanan niya lang ako.

"Aarte bunso, dalian niyo nang mag-usap kakain na tayo" saka siya umalis at pumasok naman si Santi sa loob.

Nagtitigan lang kami ni Santi, walang umimik hinawakan niya lang ang kamay ko. Matapos nun ay tinawag na kami ni Dad dahil kakain na daw. Bumaba nalang kami at nagtungo sa dining table. Mukhang may fiesta sa bahay namin andaming ulam. Mukhang masaya ang lahat kami lang ni Santi ang hindi dahil habang kumakain ay panakaw na tinititigan namin ang isat isa. Ang awkward ng feeling, napansin siguro ito ng parents ko kaya di na nila ako kinulit.

"Ba't di ka nalang dito matulog iho, total malawak naman yung kwarto ni Dex" suhestiyon ni Dad, kasalukuyang umiinom ako noon kaya naman nasamid ako at muntik ko nang maibuga kay Santi yung laman ng bibig ko.

"Naku Tito sobra na pong abala yun, salamat nalang po. May susundo po sa akin kaya ok lang po na umuwi ako"

"Ganun ba, tsk sayang naman pala. Di mo maririnig na binabanggit ni Dex yung pangalan mo sa pagtulog niya."

"Dad" saway ko at binigyan ko siya ng matalim na tingin.

"Nagsasabi ako ng totoo anak, binanggit mo yung pangalan na Santi nung binisita kita sa kwarto mo pagkarating namin. Parang ang ganda ng panaginip mo nga eh, di ko naman kasi alam na ganito pala ka gandang lalake tong Santi na ito" saka siya humagalpak ng tawa, mapangasar talaga si Dad kaya naman nasanay na ako nun sa pang aasar ni Ryan.

Wala na talaga akong lusot sa pamilya ko, pinagkanulo na ako ng bestfriend ko, sabihin ba naman sa tatay ko na boyfriend ko tong gwapong lalakeng to.

"Kung ok lang po kay Dex na makitulog ako dito, bakit hindi" pahayag ni Santi saka siya tumigin sa akin.

"No!" sagot ko.

"Oo naman ok na ok sa kanya" sagot naman ni Dad, "Diba anak?" saka niya ako tinawanan.

"Ay Tito, sa bahay nalang kami matulog nina Aries at Grets, total tapos na naman po namin yung project" pahayag ni Kayla.

"Ang lawak ng guest room iha, ba't pa kayo aalis?"

"Trust me Tito" saka siya kumindat sa Dad ko, nag thumbs up naman tong walang hiya kong tatay.

Natulog nga doon si Santi at ang awkward talaga, walang gustong magsalita. Ang tahimik, yung tunog ng aircon lang ang naririnig.

Hanggang sa binasag na nga niya ang katahimikan.

"Pwede bang humiram ng pamalit na damit sayo? Maliligo sana ako eh"

Tumayo nalang ako at kumuha ng mga damit sa closet ko, binigyan ko narin siya ng brief na di ko pa nagagamit at ng towel na rin. Agad naman siyang naghubad sa harapan ko.

"What are you doing?" tanong ko, naka-brief nalang siya noon white pa iyon at medyo manipis, kitang kita ko ang matambok niyang puwet. Haharap pa sana siya noon pero pinigilan ko baka kung ano pa ang makita ko at di ako makapag pigil. "Stop, wag kang humarap dumiretso ka nalang sa banyo"

Nagkamot ulit siya ng ulo niya. "Sorry"

Ilang minuto matapos siyang pumasok ng banyo ay biglang may kumatok sa room ko. Pinagbuksan ko ito at nakita ko si Dad na hawak hawak yung puppy na bigay ni Santi.

"Yung baby niyo, naiwan niyo. Ang mahal pa naman niyan, kailangan ma-airconan yan. Diyan mo muna patulugin, kuha ka nalang ng basket dun at ilagay mo siya dun sa may landscape area kung saan may sand."

Little Mix's Tape (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon