Ain't nobody hurt you like I hurt you
But ain't nobody love you like I doPromise that I will not take it personal babyIf you're moving on with someone new
Cause baby you look happier, you doMy friends told me one day I'll feel it tooAnd until then I'll smile to hide the truthBut I know I was happier with you-----
My friends told me one day I'll feel it too.....
I wish I could be as happy as you....
But I will still be happy If I see you happy. Even if I'm not with you...
XoXoXoXo
Sa duration ng summer na yun, naging abala narin ang kambal sa kabi-kabilang summer workshops nila. Ang magjowa naman na sina Kayla at Neil ang umaasikaso sa mga baby-ik ko kaya kampante ako. Minsan naman ay si Raikko na ang sumasama pag may importanteng lakad sina Kayla.
It was Tuesday morning, wala yung kambal sa bahay noon dahil sinama nina Raikko sa family outing nila. Di na ako nakasama dahil nga may ground breaking ceremony kami that day.
7:30 na ako nagising noon, at dali-dali akong nag-ayos. Pagbaba ko ay agad akong tumungo dun sa garahe pero laking gulat ko dahil wala yung pick-up.
"Kuya! Nasaan yung sasakyan ko" sigaw ko dun sa guard, nawindang ata siya sa sigaw ko kaya dali-dali siyang lumapit sa akin.
"Ah Sir, kinuha po ng Daddy niyo kasama po ang Mommy niyo. Kinuha rin po niya si Loki pupunta daw po sila sa Tagaytay"
"What? Mom & Dad? Narito sila, kelan pa?" tanong ko.
"Dumating po sila kaninang madaling araw, akala ko po kasi sumama kayo sa outing nina Sir Raikko kaya nasabi ko po sa kanila na wala kayo"
"Naku naman, oh siya sige sige"
"Pasensya na po"
Agad ko namang tinawagan si Dad, nagbabaka-sakaling gamit niya yung number na yun.
"Oh hi hijo" bungad nito.
"You stole my car, Dad I need that today"
Tinawanan niya lang ako.
"Dad, di man lang kayo nagpasabi na uuwi kayo"
"Dex, sinabi ko na sayo nun"
"Hell, like 2-3 months ago? Dad naman"
"Chill ka lang pwede, mabilis lang kami ng Mommy mo. Nga pala, bait nitong aso mo ah"
"Dad, don't dare do that again. Di nalang yung kotse ang kinuha mo"
BINABASA MO ANG
Little Mix's Tape (boyxboy)
RomancePaano ba mag-mahal ang mga Millenials? Sasabihin ba nating makabago narin ba ang pamamaraan nila ngayon digitalized na ang lahat. Na sa isang pitik mo lang nakukuha mo na ang hinahanap mo. Mas wild ba ang mga Millenials compared sa mga naunang he...