Dumating na nga yung araw ng Sabado at lumuwas nga kaming lahat pa-Manila nang umagang iyon. Tumuloy kami sa bahay nina Kuya Aki doon. At gaya ng napag-usapan ay tumungo na kami sa Charity event namin.Yung sasakyan ni Kayla ang hawak ni Kuya Aki habang ang sasakyan naman ni Neil ang kina Kayla. Nauna na sina Kayla doon at kasama ko sa sasakyan ni Kuya Aki.
Naka-suot akong sanding pula noon at shorts na medyo tattered. Meron din akong paandar na bandanang pula sa ulo ko. I was wearing aviator shades & sneakers.
"Ayos pormahan natin bunso ah" pang aasar ni Kuya Aki.
"Ikaw din naman ah"
Naka muscle shirt siyang itim noon tapos gray na shorts. Basta, ang gwapo niya. Lalo na pag naka-bukol yung alaga niya.
"So ready ka na sa paandar natin today?" tanong nito.
"Bahala ka!" sagot ko saka ko siya nginitian.
Mga alas otso na ng makarating kami sa venue. Andun narin yung team ni Ivo noon. Nakapag-ayos narin sina Kayla doon. May nakikita rin akong mga colleagues ni Kayla dun sa event. Andun narin yung mga matatanda na giliw na giliw sa nakikita. Yung iba naman ay beastmode na. Saktong 8:30 ng magsimula ang programa. May mga nag-speech at meron ding nag-perform ng mga magic show at nag-entertain dun sa mga matatanda.
Matapos nun ay nagsimula na yung kainan. Pansin ko noong papalapit si Ivo sa akin pero agad naman akong inakbayan ni Kuya Aki. Nagtinginan lang kami, siya naman ngumisi saka kumindat.
"Ayos ba?" tugon nito.
Ngiti nalang ang iginanti ko.
"Naku yung isa diyan nage-enjoy. Sige lubos-lubusin mo na, ubusin mo na yung amoy. Dahil sa makalawa babalik na yan sa Canada" pasaring ni Kayla.
"Ssssssh, utol wag kang panira sa plano. Tinitignan nga natin kung magseselos yung isa diyan eh" si Kuya Aki.
"Ahy sorry ha, di ako nainform. Ganda mo no? Happy ka?" pagtataray ni Kayla sa akin.
Bumelat nalang ako. Si Kuya Aki naman ay yumakap sa akin.
"Ang cute cute mo talaga bunso"
"Masyado kang OA naman Kuya"
"Nami-miss ko lang yung anak ko"
Bumitaw na nga ako sa pagkakayakap niya at tumulong na ako sa pag-distribute ng mga pagkain. Namigay narin kami ng mga gamit na makakatulong sa mga matatanda doon.
Nasa kalagitnaan ako ng pagdi-distribute ng biglang may magsalita sa likuran ko.
"Hi!" nang lingunin ko ay si Ivo pala.
Nginitian ko lang saka ko siya iniwan dun. Sakto namang nakasalubong ko si Kuya Aki. Agad niya naman akong inakbayan at ginulo yung buhok ko. Nang nasa table na kami ay napansin kong andun parin si Ivo. Nagtama ang paningin namin kaya umiwas siya. Pansin ko din na panay ang titig niya sa amin ni Kuya Aki.
BINABASA MO ANG
Little Mix's Tape (boyxboy)
RomancePaano ba mag-mahal ang mga Millenials? Sasabihin ba nating makabago narin ba ang pamamaraan nila ngayon digitalized na ang lahat. Na sa isang pitik mo lang nakukuha mo na ang hinahanap mo. Mas wild ba ang mga Millenials compared sa mga naunang he...