I just sip my wine and looked at his puppy crystalline eyes, dahil nga natatamaan na ako noon kaya mas matapang na akong sumagot. "Hindi, kasi konting effort na lang niya makukuha niya na rin ang sagot ko" pagsisinungaling ko.
"Makikipag-unahan ako, I will not let every opportunity pass this time"
"What took you so long?"
"Di pa ako handa noon Dex dahil naka-asa parin ako sa magulang ko. Lahat ng gustuhin nila ay sinusunod ko dahil nga wala naman akong magagawa. Pinagpatuloy ko ang pag-aaral ko doon without them knowing na nagpapart time job ako. Sorry ah, I lost contact with you dahil nawala yung phone ko and deactivated lahat yung accounts ko. Marami akong pagkukulang sayo, that night nung tinawagan kita in which I said that I was made for loving you, binugbog ako ng Daddy ko dahil nalaman niya nga na sa lalake ako nagkakagusto at ayaw ko kay Rachel. Ayaw din naman ni Rachel sa akin, make sense diba? Nagpursige ako, nag-ipon para in soon time makaalis narin ako sa puder ng parents ko at maging malaya na"
"So you think that's a valid reason? Para pag-antayin mo ako ng ganito katagal?"
Di siya umimik.
"So you think ganun ganun nalang ang lahat Santi? Hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko Santi, those years na nagpapakatanga ako sa muli mong pagbabalik sa akin, o sa pagtawag mo man lang nawala yung tiwala ko sa sarili ko – tinatanong ko nga ang lahat na mukha ba talaga akong kaiwan-iwan."
"Ikaw yung tipo ng taong iniingatan Dex, you're for keeps"
"Alam mo Santi sana man lang nung bago ka lumipad patungo sa London pinaalam mo na lahat sa akin, sana man lang binigyan mo ako ng idea sa mga nangyayari para mas madali ko itong tanggapin. Closure yung inaantay ko Santi, para mas mabilis akong maka-move on. Yun yung binigay sa akin ni Ryan nun –closure, na hanggang magkaibigan nalang kami. Sana ganun ka rin, sana you have the courage to let go of someone so that they can grow. Hindi yung ganito na pilit mo silang itinatali sayo, ayaw mong pakawalan, pinapaasa mo at anong mangyayari? – wala!"
"Coz I don't want to lose you"
"You already did Santi, panindigan mo na. Hopeless love din naman tong love story natin pag nagkataon eh. Homeless, di mo rin naman akong kayang ipaglaban sa parents mo, sa lipunan, di mo rin naman kayang ipagsigawan na ang mahal mo ay ako, kapwa mo lalake- diba?"
"I'm not Ryan, kaya kong ipagsigawan kung gaano kita kamahal"
"Sige nga gawin mo nga dito, pansin ko mga pasyente mo yung mga nagda-dine dito. At napansin ko na sa far left table andun yung mga colleagues ng Daddy mo sa pulitika, now Santi – prove it"
Nagmasid nga siya at tama nga ang sinabi ko, he vow down his head "Dex"
"See, ok I understand. Kahit ako din naman eh di ko naman gagawin yun kung ako ang nasa posisyon mo – sino ba naman ako diba? Mauna na ako Mr. Villareal, yung mga staff ko nalang ang kakausap sayo regarding sa project na to" tumayo na ako at saka naglakad.
"Oh andito ka rin babes, sino kasama mo?" tanong ni Raikko na mukhang kadarating palang sa place na yun at nagkasalubong kami ng papaalis na ako."
"Wala, naligaw lang ako dito" pagsisinungaling ko.
"Sus, halika nga dito I want you to meet someone" hinila niya nga ako at pumunta kami sa far left table kung saan andun din yung mga co-leagues ng Daddy niya"
"Hi everyone" bati niya, andun lang ako sa tabi niya.
"Oh Raikko you're late again, sino yang kasama mo?"
"Ahh, this is Architect Quijano siya yung designer Architect ng Warehouse natin sa Subic" pakilala niya, nakipag-handshake lang ako dun sa mga nandun sa table.
BINABASA MO ANG
Little Mix's Tape (boyxboy)
RomancePaano ba mag-mahal ang mga Millenials? Sasabihin ba nating makabago narin ba ang pamamaraan nila ngayon digitalized na ang lahat. Na sa isang pitik mo lang nakukuha mo na ang hinahanap mo. Mas wild ba ang mga Millenials compared sa mga naunang he...