[Shoutout to my Ex]
Ang love ay parang swhewreshwerehshwerapruapruashewrpshwrp...
Ang gulo noh, di mo maintindihan? Yun ang Love.
---
Dahil nga sa mga inaasal ko, na umuuwi ng late ay kinompronta na ako ni Daddy. Minsan pa nga lasing akong umuuwi dahil nag-inuman kami nina Aries at Greta na di alam ni Kayla. I tried smoking too, parang mas gumagaan kasi yung bigat na nararamdaman ko sa dibdib ko.
"Dex" sigaw ng Daddy ko habang naka-higa parin ako sa kama ko at masakit ang ulo.
"Dex, I said wake up"
"Uhhhhhm"
"Dex wag mong hintayin magalit pa ako lalo sayo"
"Ano ba"
"Nagiging suwail ka na ah. Yung rank 9 mo pinalampas ko anak, pero tong pag-yoyosi at pag-lalasing mo sobra na. Bakit ka ba nagkaka-ganyan?"
"Coz I want to die"
"You're insane anak, terribly insane"
"Nagmahal lang ako Dad"
"Dex kaya kong tanggapin kung ano ka pa dahil anak kita at mahal kita. Pero yung nakikita kong sinisira mo ang buhay mo for an asshole like Santi. Masyado namang mababaw yun"
"Mahal ko siya eh"
"Tama na, move on"
"Daling sabihin"
"You're grounded Dex, I will cancel all my schedule mabantayan ka lang. No ATM, No Cards, at 7:00 PM nakauwi na dapat sa bahay. Kung may group project dito sa bahay gagawin. And Dex pag sa 3rd quarter at rank 9 ka parin, magbalot-balot ka na. I'll be sending you to you're grandparents sa Madrid"
Nanlaki na yung mata ko sa sinabi niya. Bihira magalit si Dad, noon ko lang ulit siya nakitang ganun.
"Maliwanag ba?" di ako umimik.
"Dex Armand maliwanag ba?" sigaw na niya kaya nasindak ako.
"Opo" sagot ko nalang.
"Good, now kumain ka. Ang payat payat mo na, at pag sinuway mo ako alam mo na Dex"
"Dad"
"Di ka uubra sa akin ngayon, you need to win my trust back. No if's or but's. Ginagalit mo ako Dex, isa pa"
"I'm sorry Dad"
"Di ko kailangan ng sorry mo, I want to see the old Dex Armand hindi yung mukhang adik na ganito. Nakita mo na ba sarili mo sa salamin ha?"
Umiling nalang ako. "Then try to move on"
Ayokong pumunta ng Madrid, masungit yung grandparents ko. Ayoko dun sa Nanay ng Daddy ko parang nangangain ng tao. Mas gusto ko yung sa Mother side mas mabait sila at love na love nila ako kaso nasa SanFo sila. Natauhan ako sa sinabi ni Dad, parang nakaramdam ako ng kaba. Natakot ako sa mga banta niya, kasi pag sinabi niya. Gagawin niya.
Sinubukan kong kausapin yung Daddy ko kinaumagahan pero di niya ako pinapansin. Dinadaan-daanan niya lang ako.
"Dad naman oh"
Di parin siya umimik kaya naman umiyak na ako noon.
"Wag mo akong dinadaan sa drama Dex, kung gusto mong kausapin kita. Magbago ka, yun lang. Patunayan mong pwede kitang pagkatiwalaan muli"
Pinunas ko yung luha ko at nagpa-alam na. "Alis na po ako"
"From now on ihahatid at susunduin ka na ng driver ko. At si Kayla lang ang pinapayagan kong makasama mo"
BINABASA MO ANG
Little Mix's Tape (boyxboy)
RomancePaano ba mag-mahal ang mga Millenials? Sasabihin ba nating makabago narin ba ang pamamaraan nila ngayon digitalized na ang lahat. Na sa isang pitik mo lang nakukuha mo na ang hinahanap mo. Mas wild ba ang mga Millenials compared sa mga naunang he...