"Kaya ko namang magmahal ng iba. Kung hindi lang sana kita nakilala"
"Mahilig ka pala mag-drawing ng ganun. I can be your model. Pero mahiyain kasi ako eh, kaya pilitin mo muna ako. Saka masyadong maganda yung katawan ko at masyado akong gwapo para maging model mo kaya kailangan mo rin akong bayaran"
"Gwapo? Maganda ang katawan?" Nasaan?"
Nag-angat naman siya ng shirt at nakita ko yung abs niya at shet parang nag-dry yung lalamunan ko. Nag-flex din ang loko at nakita ko yung biceps niya.
"Mayabang kamo. At wag mo ngang i-flaunt yang katawan mo. Meron din ako ng meron ka, so don't you dare"
"Ang sungit mo talaga. Sabi pa naman nila pag masungit, pumapangit"
"Wala kang pake"
"Attracted pa naman ako sa mga masusungit. Alam mo ganyan ganyan din yung ex ko eh. Sinusungitan ako nung una pero sa akin din ang bagsak niya nung huli. Ikaw din baka sa araw araw na pagsusungit mo sa akin mainlove ka nalang bigla. Baka di mo kayanin kagwapuhan ko" at nagpacute naman siya ako naman asar na asar na.
"Yung ex mo ba lalake rin?"
"Hindi ah, di ako bakla no. Babae yun, Tricia pangalan. Maganda yun kaya lang..."
"Kaya lang ano?"
"Wala. Oh sige alis na ako ha. See you on Monday Architect"
Tumango nalang ako.
---
Nanonood ako noon ng Korean drama kinagabihan habang kumakain ng noodles nang mag-beep ang phone ko.
"Pssst. Gising ka pa?" it was a message from Ivo. Kaya naman I just ignored it.
"Pssst. Hoy, gising ka pa?" mga ilang messages din ang sinnend niya kaya naman nainis na ako at nag-reply.
"Tulog na ako" sarkastiko kong sagot.
"So meaning hanggang sa panaginip mo kinakausap mo ako? Naku inlove ka na nga sa akin. Sabi na nga bang makamandag tong kagwapuhan ko eh" pagyayabang niya.
BINABASA MO ANG
Little Mix's Tape (boyxboy)
RomansaPaano ba mag-mahal ang mga Millenials? Sasabihin ba nating makabago narin ba ang pamamaraan nila ngayon digitalized na ang lahat. Na sa isang pitik mo lang nakukuha mo na ang hinahanap mo. Mas wild ba ang mga Millenials compared sa mga naunang he...