Ang layo ng biniyahe namin ni Ivo, dinala niya ako sa Katipunan."Sana may makita akong katipunero dito. Yung kaya akong ipaglaban kahit kanino. Yung handang makipagpatayan" mahina kong banggit nang nasa may Ateneo na kami.
"Ano yun?" saad ni Ivo.
"Wala"
"Malapit na tayo"
Nagpunta kami sa isang dog café, napa-smile ako nun. Paano niya nalamang mahilig ako sa aso?
"Paano mo nadiscover yung place na to?" tanong ko sa kanya.
"Internet"
"Mahilig ka din pala sa aso?"
"Not really"
After one hour pa kami nakapasok sa dog zone. Parang nawala yung stress ko nung araw na yun. Ang cute ng mga aso lalo na yung mga husky.
Nasa tabi lang kami ni Ivo, minmasdan ang mga aso.
"O anong gusto mong sabihin sa akin?" pagsisimula ko dito.
"Dex"
"Uhmmmm"
"Can we be friends?"
Tinignan ko siya, nakita ko naman yung sincerity sa mga mata niya. "Dex, 2nd chance lang hinihingi niya" tugon ko sa sarili ko. OO nga naman, 2nd chance lang. Noon I gave Ryan a 2nd chance. Si Santi ganun din, di lang 2nd chance. Pero itong si Ivo, he just want to be friends with me.
"Pag-iisipan ko" sagot ko nalang.
Nakita ko naman yung ngiti niya.
"I'll prove myself to you, I'll win your trust again. And hopefully, magbago na yung outlook ko sa mga tulad mo. I'll embrace it"
I just smiled at him.
"Pero, boyfriend mo na ba si Aki?"
Tinawanan ko lang siya. Ang lakas ng tawa ko kaya naman yung ibang aso ay tumahol sa akin.
"Ay sorry"
"Para kang nago-glow pag tumatawa ka. And you lighten my day if you do so"
Di ako umimik.
"So boyfriend mo nga?" tanong niya ulit.
"Ayos ba?"
Nagkunot noo lang siya.
"Bagay ba kami?" pangungulit ko.
Nagkibit balikat lang siya.
"Hoy ano?"
"Hindi nga!"
"Uy grabe ka ah, di kami bagay ganun?"
"Ewan"
Ngumiti nalang ako.
"So ganito nalang ba magiging convo natin?"
"Actually hindi, I want to discuss business din sana. Pero naisip ko, I'll do it on Monday nalang. I'll be at your office if that's ok with you"
BINABASA MO ANG
Little Mix's Tape (boyxboy)
RomancePaano ba mag-mahal ang mga Millenials? Sasabihin ba nating makabago narin ba ang pamamaraan nila ngayon digitalized na ang lahat. Na sa isang pitik mo lang nakukuha mo na ang hinahanap mo. Mas wild ba ang mga Millenials compared sa mga naunang he...