Kaya mo ba akong ilipad sa hangganan nang aking pangarap?....Kaya mo ba akong dalhin sa kung saan nagtatagpo na ang mga ulap at ang papalubog na liwanag?
Ikaw na ba?
---
Sabi nila, wag mong habulin yung taong mahal mo, dahil kung mahal ka nito - HINDI siya tatakbo palayo sayo...Sabi nila, wag mo nang antayin ang taong di ka naman kayang pahalagahan. Dahil darating ang tamang panahon na kusa nalang kakatok sa pintuan mo yung taong para sayo talaga.
Naku, malabo na talaga - wala kaming pintuan
-----------
Kinuha ko na nga yung gamit ko. I was about to enter my car when he butted in.
"Oooops, my car baby" inirapan ko nalang siya saka sumunod dun. Siya pa talaga ang nag-buckle ng seatbelt ko.
"Saan nga tayo pupunta?"
"Basta, mage-enjoy ka"
Mga ilang oras din ang lumipas ng mapansin kong tinutumbok namin ang way pa-Manila.
"Idlip ka muna, malayo pa ang biyahe natin"
"Sabi mo eh"
I unbuckled my seatbelt saka akmang pupunta sa likuran.
"Oh san ka pupunta?"
"Sa likod, gusto ko humiga"
"Mag-recline ka nalang, gusto ko nakikita kita"
"Sus"
"Oo nga"
Yun na nga lang ang ginawa ko. I reclined the seat saka umidlip.
Marami rin kaming stop over. Kumain narin kami ng lunch bago kami tumuloy sa biyahe. It was already 3:00 nang makarating kami sa Pasay.
"Saan ba talaga tayo pupunta? Sa MOA?"
BINABASA MO ANG
Little Mix's Tape (boyxboy)
Storie d'amorePaano ba mag-mahal ang mga Millenials? Sasabihin ba nating makabago narin ba ang pamamaraan nila ngayon digitalized na ang lahat. Na sa isang pitik mo lang nakukuha mo na ang hinahanap mo. Mas wild ba ang mga Millenials compared sa mga naunang he...