"Mahal Kita"
Hindi naman sa di ako naniniwala, ang tanong lang doon ay kung TOTOO ba?
Mahal bilang ano? Baka magkaiba yung iniisip ko, sa sinasabi mo
----
"Hey, di ako baldado. Diba we talked about this a while back?"
"I won't give up. Matigas pa naman yung ulo ko, di ako basta basta nakikinig sa mga sinasabi. Susundin ko sinasabi ng utak ko"
"Ano ba sabi niya?"
"Na tama na mahalin ka"
"Ay mali yang utak mo, minsan dapat puso yung sinusunod"
"Talaga?" nakita ko yung pagningning ng mga mata niya, may gumuhit narin na ngiti sa labi niya.
"Ano bang sabi ng puso mo?"
"Sabi niya wag kitang sukuan, mas mahalin pa kita hanggang sa makita mo na yung sincerity ko towards you. Sabi niya wag kitang pakawalan"
"Ang daldal naman ng puso mo, mali din siya. Actually mas paniwalaan mo yung mga tao na nasa paligid mo"
Luminga linga siya sa paligid. Saka siya tumayo.
"Hey everyone, kilala niyo ba ako?" tanong nito. Nakarinig naman ako ng "HINDI" sa karamihan.
"Good! I'm Ivo pala, and right here beside me is the man I love. Pasado ba?" nagulat ako sa tinuran niya, kaya inawat ko siya. Maraming nagulat, nadismaya, natuwa. Halo-halong reaksiyon.
"Pero di po siya convinced na mahal ko siya, ano pong gagawin ko?"
Andaming nagsalita, more of Bisaya kaya di ko maintindihan.
"Just keep the faith bro, kaya mo yan. Kung di madaan sa santong dasalan, daanin mo sa santong paspasan" yun ang huli kong narinig.
Umupo na nga si Ivo, nakairap parin ako sa kanya.
Kumindat siya sa akin "Ayos ba Looco?"
"Di ka nakakatuwa"
He just pouted and I saw his puppy brown eyes.
"Kaya ko noh?" pagyayabang niya.
"Scripted"
"Galing yun sa puso ko"
Kinuha niya yung kanang kamay ko at ipinatong sa dibdib diya. "Pakiramdaman mo, ang bilis ng tibok niya"
Bumitaw ako sa pagkakahawak niya. "Normal lang yan"
"This is love Dex"
"No its not"
"Mango Bravo is real"
BINABASA MO ANG
Little Mix's Tape (boyxboy)
RomansPaano ba mag-mahal ang mga Millenials? Sasabihin ba nating makabago narin ba ang pamamaraan nila ngayon digitalized na ang lahat. Na sa isang pitik mo lang nakukuha mo na ang hinahanap mo. Mas wild ba ang mga Millenials compared sa mga naunang he...