"If you love someone, let it go. I
f it comes back to you it's yours.
If it doesn't, it never was"
XoXoXo
Tumungo nga kami sa Bantayan nung hapon na yun. Si Kuya Primo ang nagpalipad ng helicopter.
"Welcome aboard Mango Bravo" saad ni Ivo.
"The helicopter has a name?" tanong ni Tep Tep.
"Yes baby"
"Mango Bravo pangalan niya?"
"Uhuh"
"Aaaaah"
Si Bastie naman ay lumapit kay Kuya Primo at kinulit ito, kung ano ano ang tinatanong.
"Kuya Prim, pasensya ka na diyan ha" banggit ko.
"Ok lang Architect, cute nga eh parehas sila ng anak ko"
"Tito-Dad, I want to be like him" saad ni Bastie.
"You want to be a Pilot too?"
"Uhm Uhm"
Nag-decide kami na dun na kami mag-stay for the night. Walang kapaguran sa paglalaro sa buhanginan yung kambal kasama si Via at Ivo. Ako naman andun lang sa tapat ng Villa at pinagmamasdan sila.
Maya-maya pa ay lumapit si Via sa akin.
"Oh, pagod ka na?"
"Di ko kinaya bes"
Tinawanan ko lang siya. Lumapit naman sina Ali at Rico sa amin at inabutan kami ni Via ng tig isang Heineken. Pinagmamasdan lang namin ang tatlo.
"Happy ka boss?" panimula ni Rico.
"Oo naman"
"So siya na talaga?" tanong ni Ali.
"Uhhhhm, we're friends. But if you're asking me kung gusto ko na ba siya na maging partner ko. I'm not certain yet"
"Bakit naman boss, mukhang ok naman si Ivo ah" saad ni Via.
"Ok talaga siya, but I want him to be one of my boy bestfriends. For keeps kasi siya eh. Pano kung naging boyfriend ko siya, then it won't work out. So masasayang lang yung friendship namin?"
"May point ka naman dun boss, ang tanong yun ba ang gusto nung tao. What he wants is more than that" paliwanag ni Via.
"Relationships is not my priority as of this moment lalo pa at bumalik yung kambal sa akin. Sapat na sila Via, sapat na sila para sumaya ako. They're my happiness kahit na alam ko na seeing them will make me remember my ex"
BINABASA MO ANG
Little Mix's Tape (boyxboy)
RomancePaano ba mag-mahal ang mga Millenials? Sasabihin ba nating makabago narin ba ang pamamaraan nila ngayon digitalized na ang lahat. Na sa isang pitik mo lang nakukuha mo na ang hinahanap mo. Mas wild ba ang mga Millenials compared sa mga naunang he...