[Shoutout to my Ex]
Ang love ay parang lindol...
Yung akala mong tapos na, pwede nang sabihing happy ending dahil wala nang pagyanig. Pero may aftershock pa pala. Mas nakaka-gulantang, ilalagay ka niya talaga sa faultline. Yung gagawin ka niyang bulkan, na anytime pwedeng sumabog.
This is Little Mix's Tape Too – ang istorya ng millennial love. Ang pagbabalik ni Prince Zaire sa pinilakang tabing. Charot lang, parang pang bold naman yung pinilakang tabing. Yung era kung saan uso pa yung mga ganitong title sa takilya: Isagad mo baby, Cubao sa Kuko ni Lucifer, Isang dangkal na gloria, Isettan ikapitong langit. Parang ang weird na pakinggan noh, lalo na pag mga 90's babies at mga kabataang pinanganak ng 2000 ang magrereact dito.
Oh siya, awat na.
Saan ba iikot ang istoryang ito, sa akin ba o sayo? Pero teka lang, na-miss mo ba ako?
HINDI! Absolutely NOT!
Balik tayo sa kwento ko. Naalala niyo pa ba sina Dex at Santi? The Baby Boi & Sans Rival? Ang icing sa ibabaw ng cupcake?
Dex Armand Quijano ang bida sa istoryang ito. A typical Senior High School Guy, matangkad, mayaman, may itsura, matalino, talentado pero tarantado pagdating sa pagmamahal. Nain-love siya kay Stallion, the Albie Casiño look-alike Ibahn Santi Villareal. Eto namang batang to, talaga namang kamahal-mahal di'ne. Abay mas matulis pa sa balisong 'ga itong batang ire kung maka-porma at umasta. Simpatiko, gwapo, romantiko, Mr. Swabe at anak ng pulitiko. Nasa kanya na ang lahat, ano pa bang hahanapin mo – perfect package. Pero paano kung may umeksenang iba? Paano kong itong si Santi may mahal nang iba? Makakaya mo kaya? Paano kaya kung ang Sans Rival ay may Cheesecake na? Paano na si Baby Boi, edi maiiwang mag-isa?
Kelan ba natin gagawin ang pagmomove-on? Kung kelan ubos na yung luha natin? Yung mugto na ang ating mata sa kakaiyak? Yung nag-gain na tayo ng weight dahil sa stress eating. Yung bagsak na tayo sa mga subjects natin? Oh yung time na gusto na nating igive-up ang lahat at mamatay nalang?
Bakit ba ang hirap magmove-on? Bakit ganun?
Una, kasi nga naging parte na siya ng buhay mo noh. Yung mga nakasanayan mo bigla nalang mawawala. Yung sanay kang may binabati ka ng good morning at goodnight. Yung nasanay kang may pinagsisilbihan ka, may niyayakap pero ngayon wala na. Ikalawa, di mo matanggap yung dahilan niya. Di mo matanggap na di ka na niya mahal. Ikatlo, walang closure. Basta nalang siyang bumitaw. Ikaapat, mas maganda o mas gwapo yung ipinalit niya sayo at bitter na bitter ka dahil di mo matanggap sa sarili mo na you're not good enough- kumbaga nawala yung self confidence mo dahil mas gwapo yung new found love niya. At ikalima bakit mahirap magmove-on? Dahil patuloy mo paring binabalikan yung mga ala-ala na sanay nililimot mo na.
Bes, awat na. Di na yan healthy.
Sabi nga ng na-screenshot ko mga teh, "Don't stress the could haves, if it should have, it would have". Kung tatanungin niyo ako kung anong meaning niyan – ay Never mind basta nag-rhyme ayos na.
BINABASA MO ANG
Little Mix's Tape (boyxboy)
RomancePaano ba mag-mahal ang mga Millenials? Sasabihin ba nating makabago narin ba ang pamamaraan nila ngayon digitalized na ang lahat. Na sa isang pitik mo lang nakukuha mo na ang hinahanap mo. Mas wild ba ang mga Millenials compared sa mga naunang he...