Chapter 15 - Do you wanna build a Snowman?

1.1K 37 2
                                    

Lumabas na nga kami at naghanap ng makakainan ng Champorado at di naman kami nabigo dahil meron nun sa food park. Matapos naming kumain ay nagpasya kami na pumunta sa dagat. Ginawa kong driver si Gov, kami ng mga bata ay nasa likod ng sasakyan.

"Ayaw mo ba akong katabi dito Bhie?"

"Magdrive ka na nga lang diyan"

"Icarus, Ike, galit si Tito-Dad sa akin oh. Baka pwede niyo siyang paki-usapan para bati na kami"

"We're all mad at the governor" sabay na banggit ng kambal. Tumawa nalang ako at natahimik nalang yung ama nila.

"Yan ba tinuturo ng Tito-Dad niyo ha?" tanong ng Tatay.

"Excuse me ha, don't you dare. Baka nakakalimutan mong marami ka pang kasalanan sa amin kaya please shut up kung ayaw mong dagdagan ulit"

"Sabi ko nga eh magda-drive na nga lang ako kamahalan"

"Good!"

"Hay naku, kundi lang talaga kita mahal Dex"

"We hate the governor!" sigaw naming tatlo nina Bastie at Tep saka kami tumawa. Umiling iling nalang din ang ama nila pero pansin kong ngumingiti rin siya.

Panay parin ang kulitan nang kambal, ako naman ay nagtitingin ng mga IG stories.

"Nasa bansa pala yung ex mo" sabi ko sa ama ng kambal.

Di siya umimik, patuloy lang siya sa pagda-drive.

"Mukhang single siya ah. Hmmmmft, I smell something"

Wala parin siyang imik.

"Siguro nagkikita kayo lately noh"

"Of course not, ano ba Dex"

"Looking good din tong si Yana ah, perfect wife. Diba ex mo rin to, single parin ata eh"

"Dex stop. Nagsisimula ka nanaman ba ng away?"

"And heres another one, I just saw him the other day sa QC. He told me to say hi to you"

Huminto siya, tinanggal ang seatbelt at binalingan kami.

"Ba't tayo huminto? Dito na ba yung dagat Daddy?" tanong ni Tep.

"Walang dagat Tep, damo yung nakikita ko" sagot naman ni Bastie.

"Dex, pwede bang wag muna tayong mag-away?"

Di ako umimik. "Please" dagdag niya. "Wala ka namang dapat ikaselos eh"

Pinakita ko naman yung IG post ng ex niya. Groupie nila at ang sweet nila dun. Actually di naman ako nasaktan, gusto ko lang talaga ng away. Tinaasan ko siya ng kilay at siya naman ay napanganga nalang.

"Bakit mo ba kasi sila pina-follow?"

"Eh gusto ko, ika nga nila keep your enemies closer"

"Dex, not now please"

"Nag-aaway nanaman ba kayo?" tanong ni Bastie.

"Hindi!" sabay naming sagot.

"Ay Bastie, nag-aaway nga sila" sabi ni Tep saka sila tumawa.

"Daddeeeh! Kantahin natin yung themesong para masaya na ulit si Tito-Dad"

Kumunot yung noo ko, yung tatay naman ng kambal na biik ko ay parang nagliwanag yung mukha.

Gov: Do you wanna build a snowman?

Bastie: Come on let's go and play.

Tep: I never see you anymore, come out the door, It's like you've gone away.

Little Mix's Tape (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon