If we're gonna fight this fight for better days
I know we're gonna make itThis is the chance, let's take it
Tell me why, why can't we try and start again?
This can't be how our story ends
You're more than my girl, you're my best friend
Tell me you remember when
Ooh, when I was your man and you were my girl
It was you and me against the world
XoXoXoXo
Nakalabas na nga sina Rich at yung baby nung araw na yun. Ihinatid na namin sila sa kanilang tinutuluyan. Sinabihan ko naman siya na from time to time ay dadalaw kami sa kanila. At kung gusto naman nila ay once a week ay sa bahay sila pupunta.
Lagi ding nangungulit si Tep Tep na dalawin namin si Cassedy, halos thrice a week kami pumunta kina Rich. Gusto pa niya ay iuwi na namin si Cassedy. Nang bumisita sina Rich sa bahay ay grabeng pag-tanggap ang ginawa nina Mommy at Daddy. Andami nilang hinandang pagkain para sa bisita namin. Hiyang hiya noon si Rich pero sinabihan siya ni Mommy na ituring na tulong na yun at parte na siya ng pamilya namin. Nalaman din ni Daddy ang balak ni Rich na ipagpatuloy ang pag-aaral.
"Oh tamang-tama anak, itong Misis ko si Tita Dindin mo may mga kinukuhang scholar sa company nila kaso nga lang sa New York yun"
"Why not try to apply baka palarin ka" sagot naman ni Mommy.
"Gusto ko po sana kaso lang New York po yun eh, si Cassey po muna ang priority ko for now"
"Ano ba naman yan, you can do both naman. Madali lang ayusin yan, just give us time. Pwede kang mag-aral dun kasama ang anak mo. Start a new life Rich, sayang talaga if you just settle for what you have right now"
BINABASA MO ANG
Little Mix's Tape (boyxboy)
RomancePaano ba mag-mahal ang mga Millenials? Sasabihin ba nating makabago narin ba ang pamamaraan nila ngayon digitalized na ang lahat. Na sa isang pitik mo lang nakukuha mo na ang hinahanap mo. Mas wild ba ang mga Millenials compared sa mga naunang he...