Like a selfless love, everything will be this clear & calm
The Perks of Being Single?
Payapa ang Inbox mo, parang si Globe nalang ang laging concerned sayo. Nireremind ka niya palagi na malapit na yung due date ng bayaran. Saklap diba?
XoXoXo
Pumasok na kami sa kitchen, nagpabuhat pa talaga yung dalawa sa akin. Ang kulit kulit nila nung araw na yun, ewan ko ba. May mga araw na matamlay sila, mga araw na iyakin sila, nagta-tantrums. Pero eto yung araw na puno sila ng kakulitan at kalokohan. Pasensya nalang talaga, pero kahit ganun ang cute cute parin at nakakawala ng pagod kahit anong kulit pa nila.
Ibinaba ko sila sa upuan, kinuha ko na yung pinalamanan ni Yaya Muring na bread.
"Ayoko ng peanut butter" saad ni Bastie.
"Akin nalang" tugon ni Tep.
Agad naman na binigay ni Bastie yung kanya, nilantakan naman agad ni Tep.
"Ano gusto mong palaman baby?"
"Walang palaman" sagot naman nito.
"Nakalimutan ko Sir, ayaw pala niyan ng may palaman" pahayag ni Yaya Muring.
Pati sa juice ay magka-iba sila. Si Tep Tep gusto niya ng Four Seasons, parehas kami. Si Bastie naman ayaw niya ng ganun, orange juice siya palagi katulad ng ama niyang pangit.
"Tito Dad, can we go to the Perya dun sa kabilang town?" tanong ni Bastie, ang conyo diba?
"Ay baby, pupunta tayong Cebu bukas. We need to sleep early mamaya, maaga flight natin"
"Really?"
Tumango lang ako.
"Diba taga dun si Tito Ivo?" tanong ni Tep.
"We will visit Tito Ivo?" dagdag ni Bastie.
"Yes baby, ga-graduate si Tito Ivo"
"He will be flying airplanes?" masayang tanong nito.
BINABASA MO ANG
Little Mix's Tape (boyxboy)
Roman d'amourPaano ba mag-mahal ang mga Millenials? Sasabihin ba nating makabago narin ba ang pamamaraan nila ngayon digitalized na ang lahat. Na sa isang pitik mo lang nakukuha mo na ang hinahanap mo. Mas wild ba ang mga Millenials compared sa mga naunang he...