Ω Kabanata I Ω Ang Pagbabalik sa Lireo

16.2K 251 57
                                    

Ω Kabanata I Ω
Ang Pagbabalik sa Lireo
Ω


Nagdarasal si Mine-a sa Bathalang Emre ng kaligtasan ng kanyang anak na si Amihan at ang ama nitong na kanyang iniibig na si Raquim.

Napalingon siya mula sa pagdarasal ng dumating ang mashna ng Lireo na si Aquil mula sa misyon nito sa mundo ng tao kung nasaan sila Raquim, Amihan at ang hadia ni Raquim na si Ybrahim.

"Madea Mine-a....nadala na namin ang iyong anak sa Lireo." Sabi nito. Napangiti si Mine-a sa sinabi ni Aquil.

"Si Raquim?" Tanong niya. Malungkot naman na yumuko si Aquil. Nangamba naman si Mine-a.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Marahang nagmulat ang batang si Amihan at lumingon nakita niyang katabi niya ang batang kaibigang si Ybrahim na tulog din. Napa-upo si Amihan at namangha siya sa kagandahan ng silid na kanyang kinaroroonan.

Agad niyang ginising si Ybrahim na agad na nagmulat at napa-upo.

"Ybrahim nasaan tayo?" Tanong ni Amihan dito.
"Hindi ko din alam Amihan..." Sabi ni Ybrahim dito. Ng mapalingon sila ng may nagsalita.

"Nandito kayo sa Lireo." Sabi ni Mine-a na umupo sa higaan. Kumunot ang noo ni Amihan.

"Kayo po yung magandang babae sa panaginip ko." Sabi ni Amihan.
"Ako nga Amihan... Ako ang iyong ina." Nakangiting sabi ni Mine-a.

"Kayo po ang nanay ko?" Gulat na sabi ni Amihan sa Reyna.

"Ako nga Amihan...." Nakangiting sabi ni Mine-a. Umiling si Amihan.

"Hindi ako naniniwala.... Pagkat sabi ni Ama ay matagal nang nawala ang aking ina." Sabi ni Amihan at saka bumaba ng kama na kinahihigaan nito kanina. Samantalang naguguluhan naman si Ybrahim sa nangyayari.

Lumingon si Mine-a sa isang kakaibang nilalang na mukang matanda na sa paningin ng dalawang bata.

"Ano ang aking gagawin Imaw... Di ako kinikilala ng sarili kong anak." Paghingi ng tulong ng reyna sa pinuno ng mga adamyan.

"Mine-a... Hanapin mo sa iyong puso ang kasagutan..." Payo ni Imaw sa Reyna ng mga diwata.

Tumingin naman si Mine-a sa nakatalikod na si Amihan. At siya ay umawit ng isang awitin na kinakanta niya noon kayla Amihan at Ybrahim ng sila ay sanggol pa lamang bago sila ilikas ni Raquim papuntang mundo ng tao dahil sa banta ni Hagorn.

Napalingon si Amihan sa kanya maging si Ybrahim.

"Ang awitin na iyan! Ina!" Di napigilan ni Amihan na mapaluha at yumakap kay Mine-a.

"Masaya ako at nakilala mo na ako anak ko..." Naiiyak din na sabi ni Mine-a sa kanyang pangalawang anak. Masaya naman si Ybrahim para sa kaibigan.

"Mahal na mahal kita Anak." Nakangiting sabi ni Mine-a.
"Mahal na mahal din kita Ina." Nakangiting sabi ni Amihan ng maalala niya ang naganap sa kanyang ama. Ang pagsaksak dito ng tinawag nitong Hagorn.

"Ina si Itay... Nasaan po siya?" Tanong ni Amihan na may luha sa mga mata. Napatahimik naman si Mine-a.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Di mapigilan nila Amihan at Ybrahim ang umiyak habang nakatingin sa nakahimlay na prinsipe ng Sapiro na si Raquim. Nakapalibot dito ang mga natirang kawal ng Sapiro mula sa bumagsak na kaharian ng Sapiro.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon