Ӝ Kabanata LXXIV Ӝ Avisala, E Correi

3.3K 81 51
                                    

Ӝ Kabanata LXXIV Ӝ
Avisala, E Correi
Ӝ


Takot na nagtago sa malalaking halaman si Caspian, napahiwalay siya kina Selea at Ka-El ng nagtatakbo sila sa kakahuyan para matakasan ang nagngangalang Asval.

Mula sa kinaroroonan niya ay naririnig niya ang mga paglalabang nagaganap sa Academya. Napayuko si Caspian at kanyang pinagdaop ang kanyang mga palad.
"Mahal na Bathalang Emre.... Sana po iligtas niyo kami... Ilgtas niyo po ang aking mga kaibigan...." Di mapigilan ng paslit na diwan ang mapaluha dahil sa buong buhay niya ngayon lang may nagtangka na paslangin siya

Naging alerto naman siya ng makarinig ng kaluskos sa di kalayuan..
"Bathalang Emre iligtas nyo po ako!" Sambit niya hanggang sa hinawi nito ang halaman.

"Paslit." Napatingin si Caspian sa lalaking sumalakay sa kanila kanina... Si Asval! Agad siya nitong kinuha, nagpumiglas siya kaya naman kinaladkad siya nito.
"Bitawan mo ako!" Sigaw niya
"Ssheda! Ashtadi!" Sigaw nito.

"Bitawan mo ang anak ko!" Sigaw ni Ybrahim kasama si Lira. Napangisi naman si Asval.
"Avisala Rama Ybrahim." Nakangising sabi nito.
"Buhay ka pa pala Asval!" Sambit ni Lira.
"Oo Sang'gre Lira." Nakangising sabi na naman nito.
"Wala akong pakialam sa oras na saktan mo ang anak ko..... Sisiguraduhin ko na ako ang maghahatid sayo sa Bala'ak!" Sigaw ni Ybrahim saka niya sinugod si Asval agad naman na itinulak ni Asval si Caspian at kanyang sinangga ang espada ni Ybrahim.

"Caspian!" Sigaw ni Lira at dadaluhan sana ang apwe ngunit nagulat sila ng humiwalay sa katawan ni Asval ang anino nito at sinakal si Lira.

"Itay! Edea!" Sigaw ni Caspian.
"Caspian tumakbo ka na!" Sigaw ni Ybrahim kay Caspian, kinuha naman itong pagkakataon ni Asval para tadyakan siya at matumba siya sa lupa

"Caspian!" Sigaw ni Ybrahim ng balingan ito ni Asval. Natakot naman na nagtatakbo palayo si Caspian.
Muling tumayo si Ybrahim saka niya sinapak sa muka si Asval.


.
.
.
.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
. "Pinunong Azulan tila may nagaganap sa academya!" Sabi ni Ahdul saka ito lumapit sa kanya. Kinuha naman niya mula dito ang largabista na hawak nito at sinilip din ang nagaganap sa academya at tama ito may kaguluhan doon.

"Pashnea... Bilisan mo ang pagpapatakbo ng caracoa... Kailangan makarating tayo agad doon... Baka mapahamak si Ka-El." Sambit ni Azulan na nag-aalala para sa anak. Dadalawin sana nila si Ka-El ngunit di nila alam na ganoon pala ang nangyayari

"Masusunod Pinunong Azulan." Sagot ni Ahdul saka nito inutusan ang mga kasama na pabilisin ang pagpapatakbo ng caracoa papuntang academya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Samantala sa loob ng Academya ay kinakalaban na din nila Pirena, Danaya at Mira ang mga vedalje.
"Mira.... Hanapin mo si Nunong Imaw at siguraduhin mong ligtas siya." Utos ni Pirena sa anak. Tumango naman si Mira saka hinanap si Imaw.

"Danaya... Ngayon ko lamang nakita ang kanilang mha gayak pang-kawal.... Saan sila nanggaling at sino ang kanilang pinuno?" Tanong ni Pirena sa apwe habang nakikipaglaban sila ng magkasama.

"Hindi ko din alam Pirena... Ngunit di ko sila mapapatawad sa panggugulo sa academya!" Galit na sabi ni Danaya saka ito tumadyak sa lupa na dahilan ng pagkakaroon ng bitak nito at pagkahulog ng mga kalaban ng mahulog na ito ay nagbalik sa dati ang sahig na nahati.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon