Ӝ Kabanata LXXVI Ӝ Ang Apat na Kaguluhan sa Encantadia

2.4K 65 11
                                    

Ӝ Kabanata LXXVI Ӝ
Ang Apat na
Kaguluhan sa
Encantadia
Ӝ

             Malalim na ang gabi sa Lireo ng dumating si Cassiopei-a buti na lamang at nasa punong bulwagan si Mashna Muros para mag-ikot ng makita nito si Cassiopei-a.

         "Bungaitan Cassiopei-a...ano't nagpunta kayo dito?" Tanong ni Muros.
         "Avisala Muros ipatawag mo ang mga Sang'gre nais ko silang maka-usap." Sabi nito tumango naman si Muros.
         "Buti na lamang at di pa sila nakaka-alis lahat." Sabi ni Muros saka nito ipinatawag sa mga kawal ang mga Sang'gre maliban kay Danaya na wala sa palasyo ngayon. Maya-maya pa ay nagdatingan na sa punong bulwagan ang nga Sang'gre at si Rama Ybrahim.

           "Cassiopei-a....natutuwa akong makita ka." Sambit ni Amihan na inaalalayan ni Ybrahim.
          "Ako din Sang'gre Amihan... Ngunit di ito ang panahon para magkamustahan...." Sambit nito. Napakunot naman ang noo nila.
          "Anong ibig mong sabihin Cassiopei-a?" Tanong ni Pirena.

          "Sa apat na sulok ng Encantadia ay may nagaganap na kaguluhan.... Kaguluhan na dala ng kaharian na ngayon ay kinaroroonan ni Hara Danaya.....ang nagbabalik na Etheria." Sabi ni Cassiopei-a.

         "Etheria... Paanong muli silang bumangon gayong matagal na silang naglaho sa buong Encantadia?" Tanong ni Imaw.
         "Iyan din ang aking katanungan Imaw....dahil di ko nakita ito sa aking 'mata'.....Ngunit sa susunod na natin alamin yan." Sambit nito saka bumaling sa kanila.

         "Paanong nandoon si Danaya?  Bakit di namin ito alam.... Muros?" Nagtatakang tanong ni Alena sa mashna.

        "Siya ay sinundo ni Aquil na siyang nakakita sa kaharian na yaon.....at gusto daw muna nitong makita ang palasyo bago sabihin sa inyo. " Sagot ni Muros

         "Etheria.... Saan sila nanggaling?" Tanong ni Ybrahim na ngayon lang narinig ang tungkol sa kaharian na yaon.
          "Wala akong pakialam kung saan sila nanggaling Ybrahim...at di ko sila mapapayagan na guluhin ang katahimikan na tinatamasa ng Encantadia ngayon." Sambit ni Pirena. Napailing naman si Amihan saka tumingin kay Cassiopei-a.

          "Magiging maayos ba si Danaya doon.... Kailangan ba namin siyang puntahan?" Tanong ni Amihan.
          "Hindi, kaya na ni Danaya ang pagharap sa Hara ng Etheria..... Ang mabuti pa ay puntahan na ninyo ang mga lugar na may kaguluhan." Sambit ni Cassiopei-a. Tumango naman sila saka sila nag-evictus papunta sa mga lugar na sinambit ni Cassiopei-a.

         "Sana ay masolusyunan na agad ang kaguluhan na ito... Nang di na magulo ng tuluyan ang kapayapaan na tinatamasa ng Encantadia ngayon." Sabi ni Imaw. Napailing naman si Cassiopei-a dahil nararamdaman niyang magtatagal ang kaguluhan na ito na dala ng mga nagbabalik na Etherian na hanggang ngayon ay hiwaga pa din sa kanya kung paano nabuhay muli.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
            Gamit ang evictus ay nakapasok sila Danaya, Aquil at Abog sa palasyo ng bagong kaharian na di pa nila alam ang ngalan.

        "Totoo nga ang iyong tinuran Aquil..... Isang bagong kaharian nga ito." Sambit ni Danaya na inililibot ang paningin saka siya napatingin sa trono nito.
        "Ang nakapagtataka lamang ay bakit ngayon lang natin ito nakita?" Sambit ni Aquil, na siya ding tanong ni Danaya sa sarili samantalang nagmamasid lang si Abog.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon