Ω Kabanata XLIX Ω
Ang
Batis ng
Katotohanan
Ω"Sigurado ka bang kapanalig na natin si Alena?" Tanong ni Gurna habang nakatingin sila sa nahihimbing na sang'gre sa silid nito.
"Oo.... Sa dami ng isinaksak ko sa kaisipan niya nasisiguro ko na sa atin siya kakampi." Nakangising sabi ni Pirena."Mabuti kung gayon ngunit alalahanin mo na walang brilyante si Alena kaya kakailanganin mo pa din makuha ang mga brilyante nila Amihan at Danaya." Sambit ni Gurna saka naman naalala ni Pirena ang naganap kay Amihan.
"Makukuha ko lamang ang brilyante ng hangin kung buhay pa ang aking apwe." Sambit niya sa dama."Ano ang iyong ibig sabihin?" Tanong ni Gurna saka naman isinalaysay ni Pirena ang naganap sa kanyang ikalawang kapatid.
"Ipanalangin mo na buhay si Amihan sapagkat malaking suliranin kung namayapa na siya ng di mo nakukuha ang kanyang brilyante." Sambit ni Gurna sa kanya."Tanakreshna...." Galit na turan ni Pirena di sana siya magkakaroon ng ganitong suliranin kung di nakialam si Amihan kanina di sana'y napasakamay na niya ang brilyante ng diwa, ngayon kailangan pa niyang hanapin si Amihan para makuha ang brilyante ng hanggin dito.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Dahil sa pansamantalang kapangyarihan ng evictus na pinagkaloob ni Danaya kay Ybrahim ay madali silang nakapunta sa batis ng katotohanan kung nasaan si Amihan ayon kay Cassiopei-a.
"Ito nga ang batis ng katotohanan... Ayon sa ilang encantado ay may kweba sa ilalim ng batis isang dalisay na lugar kung saan ang Bathalumang Haliyah ay namamalagi kung siya ay bumababa mula sa buwan." Sambit ni Muros, na ang tinutukoy ay ang ikalimang bathala ng Encantadia.
"Ibig mong sabihin na isang Bathaluman ang nangangalaga sa batis ng katotohanan?" Tanong ni Ybrahim
"Siyang tunay... Kaya naman ang nakakapasok lamang doon ay ang mga may dalisay na puso at kung hindi naman dalisay ang iyong puso ay lulunurin ka ng batis ng katotohanan hanggang sa kamatayan" paliwanag ni Muros. Napatango si Ybrahim saka siya napatingin sa batis ng katotohanan na animo ay nagliliwanag dahil sa sobrang linaw nito."Muros ako na lamang ang sisisid sa batis ng katotohanan at maiwan ka dito ng sa gayo'y kung di ako makabalik ay makakahingi ka pa ng tulong kayla Danaya." Sambit ng Rehav sa hafte.
"Masusunod rehav Ybrahim.....at mag-ingat ka, Sana ay ibalik mo sa atin ang ating mahal na Reyna" sambit ni Muros tumango naman si Ybrahim saka nito tinanggal ang kapa nito at saka siya lumusong sa batis at ilang saglit pa ay lumangoy na pailalim.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Sa paglangoy pailalim ni Ybrahim ay di niya malaman kung bakit kakaiba ang kanyang nararamdaman na tila ba may nangyayari sa pagkatao niya na ngayon lamang niya naramdaman.
Habang lumalalim ang kanyang nilalangoy ay mas sumasakit ang ulo ni Ybrahim saka siya napatigil sa ilalim ng batis at di na siya makagalaw dahil sa sakit na dala nito na tila ba may kung anong nabubuksan o may pumapasok sa kanyang isipan na mga ala-ala na di niya alam kung totoo o halusinasyon?
...................
Doon lang nakita ni Ybrahim na lumuluha na naman si Amihan."Umiiyak ka na naman palang muli Amihan." Sabi nito at saka lumuhod sa harapan ng diwani at kanyang pinahid ang luha ng batang sang'gre.
BINABASA MO ANG
Encantadia: A Love Untold [COMPLETE]
FanfictieOne Enchanted World A Queen A Prince Four Kingdom Five Magical Gems A War of Good and Evil One Great Love Legends Encantadia An Amihan and Ybrahim fan fiction story Date started: December 25, 2016 Date finished: February 28, 2018