Ω Kabanata LVIII Ω
Ang Pagsisilang ni
Amihan
Ω
Habang nagpapahinga si Amihan ay pumasok si Ybrahim sa silid niya. Napatingin naman si Amihan dito at siya'y luminga-linga kung may nakakita sa pagpasok ni Ybrahim ngunit wala naman. Agad na lumapit sa kanya ang rehav."Amihan...."
"Ybrahim ano ang iyong kailangan?" Tanong niya. Umupo naman si Ybrahim sa tabi niya at hinawakan nito ang kamay niya saka tiningnan ang kanyang palad."Amihan sabihin mo sa akin... Ang panaginip kagabi..."
"Oo Ybrahim ikaw nga ang ama ng sanggol sa aking sinapupunan." Sambit niya sa rehav. Napangiti naman si Ybrahim saka niya hinalikan ang kamay ni Amihan.
"Pinapangako ko sayo Amihan....na magiging mabuti akong ama sa ating anak.... At gagawin ko ang lahat maipagtanggol lamang siya sa kahit na anong panganib dito sa Encantadia." Sambit ni Ybrahim, napangiting tumango si Amihan
"Naniniwala ako sa pangako mo Ybrahim." Sambit ni Amihan.
"Avisala eshma Amihan." Sambit ni Ybrahim ng biglang makaramdam si Amihan ng pananakit sa kanyang sinapupunan."Amihan anong nangyayari?" Tanong ni Ybrahim sa Hara.
"Nararamdaman ko Ybrahim magsisilang na ako." Sambit ni Amihan. Tumayo naman si Ybrahim.
"Tatawag ako ng mga dama.... Konting tiis lamang, Mahal kong Reyna." Sambit ni Ybrahim saka niya hinalikan sa noo si Amihan bago siya lumabas ng silid para tumawag ng mga dama.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sa isang iglap ay nasa Avila na sila Mira, Anthony at Pagaspas. Napangiti ang mortal at diwata ng makita ang Avila na mistulang isang paraiso sa ganda."Napakaganda pala dito." Sambit ni Mira.
"You're right Mira, para siyang garden of Eden katulad sa mga nababasa ko." Nakangiting sabi ni Anthony. Napangiti naman si Pagaspas sa mga papuri ng dalawa para sa Avila."Ang sabi nyo ay nagmamadali kayo... Kaya tayo na kay Panabon." Sambit ni Pagaspas. Tumango naman ang dalawa saka sila sumunod sa binatang mulawin.
Ilang sandali pa ay nakaharap na nila ang isang may gulang ng Mulawin na tinawag ni Pagaspas na Panabon.
"Panabon siya si Diwani Mira ang nagpatugtog sa plauta ni Avilan." Sambit ni Pagaspas. Napatango naman si Panabon."Ano ba ang kailangan ng prinsesa ng Lireo sa amin." sabi nito.
"Kailangan ko nang makabalik sa Encantadia at ang sabi ni Pagaspas ay may isa pang lagusan dito...maaari ba naming magamit ito?" Sambit ni Mira. Tumango naman si Panabon."Oo naman Diwani maaaring magamit ng mga kaibigan naming diwata ang lagusan papunta sa mundo niyo." Nakangiting sabi ni Panabon saka siya napatingin kay Anthony.
"Kasama ba ang taong ito?" Tanong nito.
"Oo kasama ko siya." Sagot ni Mira napatango muli si Panabon.
"Kung gayon ay tayo na." Sambit ni Panabon saka ito nagpatiunang maglakad papunta sa kinalalagyan ng lagusan.Isang kweba ang naratnan nila doon at ng hinawi ni Panabon ang mga baging na tumatakip dito ay nakita na nila ang lagusan papuntang Encantadia.
"Avisala eshma Panabon, Pagaspas.." Sambit ni Mira. Nakangiting sumaludo sa kanya si Pagaspas.
"Walang anuman...." Sambit ni Panabon. Tumango ang dalawa saka sila humarap sa lagusan.Maglalakad na sana papasok dito si Mira ng hawakan ni Anthony ang kamay niya.
"Anthony?" Tanong niya.
"Sabay tayo." Nakangiting sabi ni Anthony, di mapigilan ni Mira ang mapangiti saka sila naglakad papasok sa lagusan papuntang Encantadia.
BINABASA MO ANG
Encantadia: A Love Untold [COMPLETE]
أدب الهواةOne Enchanted World A Queen A Prince Four Kingdom Five Magical Gems A War of Good and Evil One Great Love Legends Encantadia An Amihan and Ybrahim fan fiction story Date started: December 25, 2016 Date finished: February 28, 2018