Ω Kabanata LXIV Ω
Ang Huling
Mensahe ni
Mine-a
Ω
"Gurna...." Pagtawag ni Pirena kay Gurna at ilang sandali lamang ay lumapit na sa kanya ang pinagkakatiwalaang dama.
"Mahal na Reyna malalim na ang gabi ano't di pa kayo nagpapahinga?" Tanong ni Gurna sa kanya."Sapagkat may nalaman ako at nais kong malaman kung totoo ito o hindi." Sambit niya.
"Ano ba ang iyong nalaman at lubha yata na masyado kang ginambala." Ani Gurna.
"Oo....tungkol ito sa liham ng aking Ina." Sambit niya at kitang-kita niya na nabigla si Gurna sa kanyang sinabi."Gurna.... Nasaan ang liham ng aking Ina." May diing sabi ni Pirena sa dama.
"Wala naman ganoon----"
"Ssheda Gurna... Wag ka nang magsinungaling sa akin..... Nasaan ang liham ng aking Ina!" Galit na sabi niya na ikinayuko ni Gurna."Oo na... Nasa akin nga ang sulat...." Sambit ni Gurna.
"Kung ganoon ibigay mo ito sa akin." Turan niya. Tumango naman si Gurna. Kahit labag sa kanyang loob.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Habang nahihimbing ang lahat na mga pagod sa mga nagdaang gabi ay sinilip ni Amihan ang silid ng kanyang anak na si Caspian at nabigla siyang makita doon si Pao-pao. Nakangiting lumapit siya dito.
"Pao-pao.... Bakit di ka pa nagpapahinga?" Tanong niya sa batang ligaw. Tumingin naman ito sa kanya."Ate Amihan.... Kasi po nimimiss ko na po ang mga magulang ko." Malungkot na sabi nito. Naawang hinaplos ni Amihan ang pisngi ni Pao-pao.
"Gusto mo na bang bumalik sa mundo ng mga tao?" Tanong niya dito."Ate Amihan wag kayong magagalit... Gustong gusto ko po dito pero po namimiss ko na din po ang pamilya ko.... Gusto ko na po silang makita." Sabi pa nito.
"Samakatuwid.... Ay nais mo nang bumalik sa mundo niyo?" Sabi niya. Tumango naman so Pao-pao."Kung gayon ay maghanda ka dahil ngayon din ay matutupad na ang iyong nais." Nakangiting sabi niya sa batang ligaw na kitang-kita niya ang tuwa sa wangis.
.
.
.
.
.
.
Agad na naghanda si Pao-pao at ilang sandali pa ay nasa puno na sila ng asnamon ni Amihan.
"Handa ka na ba Pao-pao?" Tanong ng Hara nakangiting tumango naman si Pao-pao saka itinapat ni Amihan ang medalyon sa puno ng asnamon."Asnamon voyanazar! Papasukin mo kami sa mundo ng mga tao." Utos ni Amihan sa puno ng asnamon at ito ay nagliwanag ng husto at gumawa ng lagusan papunta sa mundo ng mga tao.
Nakangiting hinawakan ni Amihan ang kamay ni Pao-pao saka sila pumasok sa lagusan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Ito na po yun ate Amihan dito po ako nakatira!" Nakangiting sabi ni Pao-pao habang tinuturo ang isang payak na bahay. Nakangiting tiningnan naman ito ni Amihan saka siya humarap kay Pao-pao at lumuhod sa harapan nito."Pao-pao.... Salamat.....salamat sa lahat." Sambit niya saka niya hinaplos ang pisngi ng batang ligaw na ngayon pa lang ay nangungulila na siya.
"Ate Amihan.... Mamimiss ko po kayo." Sabi ni Pao-pao na kahit may tuwa sa muka ay nakikita din niya na nalulungkot ito."Kagaya nga ng sinabi mo mamimiss din kita..... Pao-pao.... Mahal kita na parang tunay kong anak.... Ikaw ang nakapagbigay sa akin ng liwanag sa panahon na akala ko ay katapusan ko na..... Salamat Pao-pao... Avisala eshma." Nakangiting sabi niya saka niya hinalikan sa noo ang batang ligaw.
"Ako din po Ate Amihan.....Salamat po at Mahal ko po kayo..... At salamat po sa pagkupkop niyo sa akin." Sabi ni Pao-pao saka siya nito niyakap. Isang mahigpit na yakap din ang ibinalik niya dito at di niya maiwasan na maluha.
"Ito kuhanin mo ito.... Magagamit nyo yan dito." Nakangiting sabi ni Amihan at inilagay sa kamay ni Pao-pao ang isang maliit na sisidlan na ang laman ay ginto.
BINABASA MO ANG
Encantadia: A Love Untold [COMPLETE]
Fiksi PenggemarOne Enchanted World A Queen A Prince Four Kingdom Five Magical Gems A War of Good and Evil One Great Love Legends Encantadia An Amihan and Ybrahim fan fiction story Date started: December 25, 2016 Date finished: February 28, 2018