Ω Kabanata XXIII Ω Ang Katuparan ng Plano ni Pirena

2.2K 60 7
                                    

Ω Kabanata XXIII Ω
Ang Katuparan ng Plano ni
Pirena
Ω


Ilang araw na ding naglalakad si Danaya sa kagubatan na nasasakupan ng Lireo, at ilang araw na din niyang iniisip kung paano niya mapapaniwala si Amihan na siya ay walang sala sa mga ibinibintang sa kanya.

"Avisala Danaya." Napalingon si Danaya sa kanyang likuran at nakakita siya ng isang diwata.... Na nakikilala niya sa mga guhit at mga libro ng Lireo.

"Cassiope-a... Ang sinaunang reyna ng mga diwata." Sambit niya saka siya yumukod sa Hara du-ne ng Lireo.
"Tumayo ka Danaya sapagkat ako ay may mga sasabihin sayo na maaaring makatulong kay Amihan laban kay Pirena.

"Laban kay Pirena... Kung gayon ay alam mo na di ako ang may kagagawan ng kahat at nananatiling taksil ang making nakatatandang kapatid?" Sambit ni Danaya sa Mata.

"Walang maaaring ilihim sa isang adoyaneva mo-re." Sambit nito at hinawakan ang kamay ni Danaya saka sila nag-evictus papuntang tahanan ng dating reyna.

"Ano ang gagawin natin dito?" Tanong ni Danaya.
"Nais kong ipakita sayo ang katotohanan." Sabi ni Cassiope-a at nagsaboy ito ng mahiwagang pulbos sa kawa nito at doon nakita ni Danaya and katotohanan ukol kay Pirena at sa huwad na Lira.

"Hindi ito maaari.... Si Lira ay anak ni Pirena at di anak ni Amihan ngunit Mata nasaan ang anak ng aking hara?" Sambit ni Danaya

"Siya ay nasa mundo ng tao at ikaw Danaya ang kailangan kumuha sa kanya.... Kailangan mong ibalik sa Encantadia ang anak ni Amihan.... Ang tunay na Lira." Sambit muli ni Cassiope-a.

"Anong tunay na Lira? Mata... Ashti Danaya ako ang tunay na Lira." Nagulat ang dalawa na nasa likod na pala nila si 'Lira'. Marahan namang lumapit si Danaya sa kanyang hadia sa kanyang apweng si Pirena.

"Lira..... O mas marapat na tawagin kitang Mira..... Ikaw ay anak ni Pirena na ginagamit niya para linlangin si Amihan at ang buong lireo..... Patawad aking hadia kung kailangan mong malaman ito." Malungkot na sabi ni Danaya at saka niya niyakap si Mira na kinakaawaan niya kasabay ng pagkamunhi niya sa kanyang panganay na kapatid na si Pirena.

"Ginamit lang ako ng sarili kong Ina.... Sana ay totoong si Ada Amihan na lang ang aking Ina.... Hindi ang taksil na katulad ni Pirena." Umiiyak na sabi ni Mira.

"Tumahan ka na Mira.... Kailangan mong bumalik ng Lireo at isiwalat ang lahat ng ito kay Amihan samantalang ako ay hahanapin ko sa mundo ng tao ang tunay na anak ni Amihan." Sambit ni Danaya tumango naman si Mira sa sinabi ni Danaya.

"Nawa'y magtagumpay kayo." Sambit ni Cassiope-a at sabay sabay silang nag-evictus.
.
.
.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Mga bandido...." Sambit ni Danaya ng makarating siya sa kuta ng mga ito. Ang sabi ng Mata ay may daan dito papuntang mundo ng mga tao na di na kailangan gamitin ang medalyon ng asnamon.

"Diwata... Ano ang iyong nais at bakit ka nandito sa aming kuta?" Tanong ni Bardok, ang pinuno ng mga bandido.
"Nais kong dumaan sa inyong lagusan papuntang mundo ng mga tao." Sambit niya.

"Ang lagusan na ito ay para lamang sa amin diwata kaya di ka namin mapapayagan." Sambit nito. Napailing naman si Danaya akala niya ay magiging madali ito ngunit mukang magiging sakit pa ng ulo niya ang mga bandido na ito.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon