Ω Kabanata XXII Ω Ang Kaparusahan kay Danaya

2K 62 25
                                    

Ω Kabanata XXII Ω
Ang Kaparusahan kay
Danaya
Ω


           Katatapos lamang umusal ng panalangin ni Amihan sa Bathalang Emre ng paglingon niya ay nakita niya si Danaya.

         "Danaya.... Ano't di ka nasa iyong piitan?" Tanong niya.
         "Hindi ako titigil hangga't di kita napapaslang... Ikaw na pinaglingkuran ko tapos ipabibilanggo mo lang ako!" Sigaw ni 'Danaya' saka niya sinugod si Amihan gamit ang espada na agad naman na naiwasan ni Amihan.

         "Ssheda Danaya....kaya kita ipinabilnaggo dahil may nagawa kang kasalanan!" Sigaw niya, patuloy lang sa pag-atake si 'Danaya' kaya naman natumba na si Amihan.

         "Mamatay ka na!" Sigaw ni 'Danaya' at sasaksakin na sana niya si Amihan ng may tumadyak sa kanya kaya naman natumba siya palayo kay Amihan.

          "Amihan.... Nasaktan ka ba?" Tanong ni Ybrahim na agad siyang itinayo kaya naman napayakap siya sa rehav.
           "Ybrahim..... Avisala eshma at nandito ka...." Puno ng pagpapasalamat na sabi ni Amihan. Dumating naman sila Muros at Aquil.

           "Sang'gre Danaya.... Di ko akalain na magagawa mo ito sa iyong Hara." Sambit ni Muros.
            "Sa ginawa mong ito Danaya.... Nawala na ang tiwala namin sayo." Sambit ni Mashna Aquil at itinutok niya ang espada sa sang'gre.

            "Ssheda di ko kailangan ng mga opinyon niyo.... Babalikan kita Amihan tandaan mo iyan!" Sigaw ni 'Danaya' saka ito nag-evictus paalis ng Lireo.

            Agad naman na bumaling sa Hara ang dalawang kawal.
          "Hara Amihan maayos na ba ang iyong lagay?" Tanong ni Muros na may pag-aalalang hinawakan sa kamay ang Hara.

          "Maayos na ang lagay ko Hafte." Sambit ni Amihan.
          "Avisala Eshma Rehav Ybrahim sa pagtulong mo sa aming Hara." Sambit ni Aquil.
          "Walang anuman sa kahit na anong panahon ay handa akong tumulong sambit nito saka bumaling kay Amihan na napatango naman.

           Humahangos naman na dumating si Lira ng malaman ang kaganapan ukol sa Ina.
          "Ada.... Mabuti't walang nangyari sa iyo..." Sambit nito. Nakangiting niyakapnnaman ni Amihan si Lira.
          "Tama ka anak, at ito ay ipinagpapasalamat ko sa iyong ama." Nakangiting lumingon si Amihan kay Ybrahim na lihim na natuwa sapagkat ito ang unang beses na ngumiti sa kanya ang Hara.

          "Avisala eshma Ado..." Nakangiting sabi ni Lira saka ito yumakap sa ama.
          "Mukang napagod na ang Hara.... Marapat na siya ay magpahinga na." Sabi naman ni Ades. Sumang-ayon naman ang lahat saka naglakad si Amihan at Lira papuntang silid samantalang sinundan na lamang sila ng tingin ng Rehav ng Sapiro.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
              Nang mahimasmasan si Mila kay Muyak ay nagulat na naman siya ng makarinig ng mga katok sa pintuan.

          "Muyak magtago ka muna." Sabi niya, lumipad naman si Muyak sa likod ng picture frame saka tumayo si Mila at binuksan ang pintuan at nagulat pa siya ng makita si Anthony.

          "Sir Anthony." Nabiglang sambit niya.
           "May kasama ka ba dito? Para kasing narinig kitang nagsasalita eh." Sambit nito.
           "Wala.... Wala Sir... Ano po ba yun?" Tanong niya.
          "Ah.... Dinalhan kita ng tsaa.... Pampakalma dahil sa nangyari kanina." Sambit ni Anthony saka binigay sa kanya ang tasa na may lamang tsaa na tinanggap naman niya at ipinatong sa maliit na bedside table.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon