Ang Kasaysayan ng Lumang Encantadia ayon sa kalatas na sinulat ni Raquim.
◈◈◈◈◈◈◈◈◈◈◈◈◈◈◈◈◈◈
◈◈◈◈◈◈ ADAMYA ◈◈◈◈◈◈
Ang Adamya kaharian ng mga lamang lupa na may kaalaman sa mahika gamit ang tubig, maliit man kung ikukumpara sa Etheria, Hathoria at Sapiro ay sila naman ang pinakamisteryosong kaharian sapagkat walang nakakaalam sa hangganan ng mahika ng mga ito o sa hangganan ng buhay ng mga ito. Mahahaba ang buhay ng mga Adamyan kaya naman sa mula ng maitatag ito ay iisa pa lamang ang naging pinuno nito.... Si Aegen.
Ngunit ganoon pa man ay di sila nakakaligtas sa pagmamalupit ng Etheria lalo na at sila ay nananalig sa Bathalang Emre.Kaya naman ng nalaman ni Aegen ang pag-aaklas ng Sapiro at Hathoria laban sa Etheria ay agad silang nakipag-kaisa dito ng sa gayo'y masawata na ang Etheria sa pagmamalupit nito.
Di naglaon ay nagsimula na ang kanilang digmaan, apat na lahi laban sa apat na Hera ng Etheria. Nang una ay muntikan na silang matalo ng mga Etherian dahil aminin man nila malalakas ang kapangyarihan ng mga ito. Ngunit isang napakaganda at malakas na kapangyarihan ang inihandog sa kanila ng Bathalang Emre....
Ang Inang Brilyante na kanilang ginamit para tuluyang puksain at pabagsakin ang Etheria hanggang sa maging guho at alabok na lang ito
At isa ngang bagong yugto ng Encantadia ang kinagisnan ng anak niyang sila Imaw at Imok. Isang Encantadia na may respeto sa bawat isa.....................
◈◈◈◈◈◈ SAPIRO ◈◈◈◈◈◈
Noon ay may mag-asawang asqilesque na naninirahan sa tuktok ng pinakamataas na bundok sa Encantadia, sila ay nagngangalang Kaeldon at Gaeya
Sila Kaeldon at Gaeya ay may dalawang anak na lalaki, sila Hamir at Nahq. Ang dalawang anak nila ay talaga namang masasabi na mag-kaiba. Si Nahq ay seryoso sa lahat ng bagay. Ganoon din naman si Hamir pero may pagka-ambisyoso ito kesa sa kapatid.Minsan ay nagtaka sila kung bakit napakarami nitong naiuuwing ginto at mamahaling bato sa bahay nila at sa tuwing tinatanong ito ng mag-asawa ang laying sagot nito ay sumasama siya sa mga minerong barbaro.
Kaya di na sila nagtaka kung bakit isang beses ay di umuwi ng matagal si Hamir pero ang ikinagulat nila sa pagbalik nito ay napakarami na nitong dalang mamahaling hiyas, bato at ginto saka isang mahiwagang sandata na tinawag nitong de-jar.At mula nga sa kapangyarihan ng sandatang de-jar ay binuo ni Hamir ang isang palasyo mula sa pinakamataas na bundok sa Encantadia. Nagugulat man ay natutuwa na din ang mag-asawa at ang kapatid ni Hamir na si Nahq sa pagbabago sa kanilang buhay.
At ng buksan nga ni Hamir ang palasyo at ang buong kaharian ay kanyang tinawag ito na kaharian ng 'SAPIRO' samantalang ang mamamayan nito ay kanyang tinawag na Sapirian at siya bilang Rama o Hari nito. Di naglaon ang Sapiro ay naging isa sa pinakamalakas at makapangyarihang kaharian sa Encantadia.
Di nagtagal ay nagkaroon na din ng pamilya ang Hari ng Sapiro. Si Hamir at ang kanyang napangasawa ay isang diwata na kanyang kababata si Hayana at sila ay nagkaanak ng isang magandang sanggol na pinalanganan nilang Lila Sari. Samantalang ang kapatid ni Hamir na si Nahq ay nagsimulang mangaso mula ng namatay ang kanilang mga magulang at di pa ito bumabalik sa palasyo.
BINABASA MO ANG
Encantadia: A Love Untold [COMPLETE]
FanfictionOne Enchanted World A Queen A Prince Four Kingdom Five Magical Gems A War of Good and Evil One Great Love Legends Encantadia An Amihan and Ybrahim fan fiction story Date started: December 25, 2016 Date finished: February 28, 2018